I'm A Little Unsteady

558 26 6
                                    

Jaki's POV

Sobrang tuwa ang naramdaman namin ni Anton nung matanaw na yung isla na sinasabi ng mga kasama naming security. Lima kami lahat sa yacht na sinakyan namin mula Mexico.

Non-stop ang naging palit namin ng eroplano at halos ihi lang ang ginagawa namin sa airport. Nakailang change route din kami dahil mukhang hindi kumbinsido ang mga kasama namin sa safety namin. Sa Mexico na kami nagkita ni Anton na mukhang hilo na din sa lahat ng lipat niya.

"Finally. Sawakas. Naku, Jaki! Gusto ko nang magsisi talaga na tinanggap ko yung pagging secretary ni Vice. Naku."

Sabi ni Anton saakin habang nakatayo kami sa dulo ng lip ng yate at parehong nakatanaw sa papalapit na isla. Madilim pa na nun kaya hindi ko na makita yung kabuoan ng island pero may mga ilaw sa taas ng bundok at hula ko eh andun yung rest house na sinasabi saamin.

"Pasok na muna kayo. Magpeperimeter pa kami bago kayo makababa."

Sabi nung isang kasama namin. Sumulyap pa ako ulit ng isang beses sa isla bago bumaba na sa cabin.

"Dadaaong na tayo in 5 minutes. Steady lang kayo."

Sabi nung isa pang PSG. Magkakamukha sila. Nakakalito.

"Alam mo, itong mga security ni Vice parang minions no? Magkakamukha."

Bulong ni Anton saakin na nagpatawa saakin ng malakas. Nag-apir pa kami kaya naman napatingin saamin yung isang PSG.

Ilang minuto pa kaming nasa loob ng cabin bago kami sinundo ng kasama naming PSG at pinababa. Madilim pa ang paligid pero halos pasikat na din ang araw. Sinalubong kami ni PSG habang pababa ng yate. Nilibot ko ng tingin yung paligid.

The beach is glowing. Literally, parang may maliliit na glow in the dark na kung ano sa dagat na sumasabay sa bawat hampas ng alon sa kumikinang na buhangin na natatamaan ng liwanag ng bilog na buwan.

"Shucks!! Maldives!?"

Turan ni Anton habang nakanganga sa tabi ko. Sabay kaming lumapit sa naggoglow na dagat at parang batang nagalis ng sapatos para sana magtampisaw kaso biglang may lumapit saakin at kumalabit sa balikat ko. Napalingon ako at nagulat sa nakita, si Bella yun.

Nakasuot ng puting hoodie at maiksing maojg shorts. Naka-ayos yung buhok niya in a bun at namumula ng natural ang mga pisngi niya.

"Bella? Sumama ka pa para sunduin kami?"

Takang tanong ko sakaniya. Malungkot siyang umiling bago siya nagsalita.

"Hindi. Paalis na ako. Pwede ka bang makausap saglit?"

Tanong niya. Nilingon ko si Anton na nasa gilid na ng dagat at nagtatampisaw na bago ako tumango. Sinundan ko siya sa bandang madili na part ng shore at sabay kaming tumayo at tumingin sa glowing beach.

"Aalis na ako. I want you to know everything before I go. Up to the last detail."

Sabi niya. Tumango lang ako at tahimik na nakinig. Alam kong tungkol yun kay Vice. Tahimik akong nakinig mula dun sa sinabi niya na usapan nila ni Vice tungkol sa pagpapakasal hanggang sa nangyari sakanila kanina.

"I thought I had him. Funny. Habang ako yung kasama niya sa kama, ikaw yung iniisip niya."

Malungkot na sabi niya. Napansin kong pasimple siyang nagpupunas ng mga luha. Madilim man pero nakikita ko pa din siya. Nalungkot ako para sakaniya, dahil alam ko kung paano magmahal ng taong hindi ka naman mahal. Nilingon niya ako at nginitian.

"Walang nangyari saamin. I just want to get that straight. Jaki, kahit anong gawin ko, ikaw ang mahal niya. Aalis ako para bigyan kayo ng chance na maayos kung ano man yung namagitan sainyo."

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now