Confrontation

459 20 17
                                    

Vice's POV

"Yeah. I've heard pero alam mo naman na hindi magpapakasal si Jaki sayo di ba? You only have what? A week and a half? Jaki is... Let's say... Not into men."

Paulit ulit na nagpeplay sa utak ko yung sinabi ni Karylle saakin habang tinatahak ko ang maiksing distansya ng opisina ko sa opisina ni Jaki.

Agad akong hinarang ni Rax nung makita niya akong akmang papasok sa loob. Balisa ang mukha niya habang nasa harap ko.

"Sir Vice, mejo bad mood po si Madam. Ayoko lang pong masaktan kayo..."

Alangan na sabi niya saakin. Tinignan ko siya ng masama, dahilan para mapangiwi siya ng kaunti sa takot pero hindi siya umalis sa kinatatayuan niya.

"Rax, umalis ka sa dadaanan ko kung ayaw mong pati ikaw madamay sa init ng ulo ko."

Kalmado pero may diin na sabi ko sakaniya. Nagaalangan siyang tumango at tumabi. Agad akong naglakad papunta sa opisina ni Jaki. Pabalibag kong binuksan yung pintuan niya at inabutan ko siyang nakatayo sa harap ng bintana.

"Did I not made myself clear!! I said No. Visitors!"

Sigaw niya habang nakatalikod pa din. Hindi ako sumagot pero nilapitan ko siya at pabalang na hinila siya paharap saakin. Napatingin ako sa mga mata niya parang nagbabaga sa galit. Saglit akong kinabahan pero pinilit kong magging matapang. Kailangan namin to. Kailangan ko to.

"What the hell is wrong with you!! Pabayaan mo ako!! Napakahirap bang intindihin yun!!?"

Sigaw niya sabay tanggal sa kamay ko na nakahawak sa braso niya. Akmang tatalikod na ulit siya pero pinigilan ko siya. Pinantayan ko yung galit sa mga mata niya bago ako sumagot.

"Tang ina naman, Jaki!! Isa lang naman ang kailangan mong gawin!! Sabihin mo lang saakin!! Matatanggap ko naman!"

Wala sa loob na sabi ko. Nakita kong nasaktan siya sa sinabi ko pero mas nangibabaw yung galit. Napatiim bagang siya. She looked at me in a challenging way.

"Sige! Ano!?? Magtanong ka!!"

Galit na sabi niya. Napalunok ako. Biglang nabahag yunf buntot ko sa sinabi niya dahil hindi ko alam kung kakayanin ko yung mga susunod na maririnig ko mula sakaniya. Mabuti na lang at sound proof yung opisina niya kung hindi sigurado akong magkakagulo na sa labas dahil sa ingay namin.

"Magtanong ka, Vice! Anong gusto mong malaman!!"

Hamon niya saakin pero hindi pa din ako nakakibo. Ngumisi siya na parang nangiinis. Tinatanong ko ang sarili ko kung ito ba yung Jaki na minahal ko dahil sa totoo lang hindi ko makita si Jaki sa taong kaharap ko ngayon.

"Hindi mo din kaya di ba!? Gusto mong malaman pero hindi mo kayang magtanong!"

May diin niyang sabi sabay duro pa sa dibdib ko. Napabitaw ako sa hawak sa braso niya at tuluyan na niya akong tinalikuran at humarap ulit sa bintana. Parang nanlambot naman yung mga tuhod ko kaya napakapit ako sa sandalan ng upuan malapit saakin.

"Jaki. I want to marry you. That's the reason why I tried my best to find a way para magging void yung kasunduan ng mga magulang namin ni Karylle. Marrying you is the key to that."

Umpisa ko. Napalunok ako para pigilan ang mga luha na kanina pa nagbabadiyang kumawala mula sa mga mata ko. Napahigpit ang hawak ko sa silya. Hindi siya sumagot o gumalaw manlang mula sa kinatatayuan niya. Dahan dahan akong naglakad palapit sakaniya at tumayo sa tabi niya.

"I was so happy nung nalaman ko na napakasimple lang pala ng solusyon sa problema ko. To marry you, the woman I love. Pero... Tinanggihan mo ako. Please tell me, why?"

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now