Sino Siya

614 31 11
                                    

Vice's POV

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko. Tinignan ko yung phone ko at napabalikwas sabay deretso sa CR para maligo pagkatapos ko maligo at agad akong nagbihis.

Naka-all black ako. Except lang yung bow tie at yung suit jacket ko na parehong kulay puti.

Inayos ko muna yung buhok ko bago lumabas ng kwarto para sunduin yung date ko..... este yung boss kong maganda.

"Miss Jaki?"

Tawag ko pagpasok ko pa lang ng kwarto niya. Walang sagot kaya dumeretso ako sa harap ng pintuan ng kwarto niya para kumatok.

"Mam?? Andiyan ka pa ba o iniwan mo na ako?"

Birong tawag ko. Maya maya ay bumukas na yung pinto at iniluwa nun ang isang napakagandang babae. Nakasuot siya ng red dress na long gown na mababa ang neckline tapos mukhang backless. Naka-summer wave yung buhok niya tapos red lipstick.

Nakanganga ako sa harap niya.

"Uy! Sara mo naman bunganga mo baka mapasukan ng langaw."

Sabi niya saakin. Napabalik naman ako huwisyo ko at agad akong tumalikod sakaniya.

Grabe naman tong boss ko. Shet.

Narinig kong tumawa siya kaya napalingon ako. Lumapit siya saakin tapos tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Wow. You look dashing tonight. Mas mukha kang boss kesa saakin ah."

Biro niya saakin sabay ayos pa ng bow tie ko. Napakamot lang ako sa batok ko bago ko ioffer sakaniya yung braso ko na agad naman niyang kinuha. May dala siyang kulay black na clutch bag sa kabilang kamay niya.

"Shall we?"

Sabi ko sakaniya. Nagsmile lang siya sabay tango. Inalalayan ko siya palabas ng kwarto.


Pagdating namin sa grand ballroom ng isang hotel eh napanganga nanaman ako. Sobrang ganda ng lugar at talagang mukha siyang movie set. Lahat ng tao dun ay talagang pusturang pustura.

"Miss Gonzaga! Finally!"

Bati saamin ng isang lalakeng naka-tuxedo din. Nasa 50yish na siya at nakakalbo na din. Kinuha niya yung kamay ni Jaki at hinalikan yun.

"Mr. Buahili. Good evening."

Sabi naman ni Jaki. Tinignan naman ako nung lalake at kinamayan.

"You're boyfriend looks good. You look good together."

Sabi niya saamin. Nagtinginan kami tapos natawa si Jaki.

"Oh, No. This is my secretary."

Sabi niya. Napakamot na lang sa ulo yung matanda bago nagpaalam. Inakay ko si Jaki sa isang table at may ilan pang mga businessmen na lumapit saamin at nakipagkamay.

"Grabe. Nakakapanliit naman dito. Halos lahat kayo dito mga big time. Tapos ako..."

Bulong ko sakaniya. Tinignan niya ako ng seryoso sa mata.

"Vice, wag mong isipin yan. At the end of the day, lahat tayo parepareho lang."

Sabi niya sabay hawak sa kamay ko. Nagsmile lang ako skaniya.

Nagstart na yung 6 course meal na dinner namin. Grabe pagdating sa 4th eh halos hindi na ako makakain. Parang sasabog na yung tiyan ko. Natawa si Jaki sa tabi ko. Kaya pala patikim tikim lang siya sa mga naunang course. Eh ako naman kasi parang patay gutom kanina.


After ng dinner eh tumayo muna kami para makipagdaupang palad sa ibang tao. Tapos nung nagsawa kami eh inaya niya akong lumabas muna sa may garden.


Nakatayo kami sa may dulo ng garden kung saan nakikita yung mga buildings.

"Salamat ha. Sinamahan mo ako. Palagi akong mag-isa sa mga gantong social gatherings eh."

Sabi niya saakin. May hawak kaming tigisang flute ng champagne nun. Napangiti naman ako.

"Wag kang mag-alala. Palagi na kitang sasamahan mula ngayon."

Sabi ko sabay inom ng chapagne. Sarap nun. Napalingon siya saakin na may ngiti sa labi.


"Asus. Landi mo."

Biro niya sabay tulak ng kaunti saakin. Natawa naman ako sakaniya. Tinaas ko yung glass ko sakaniya bago magsalita.

"Cheers to never being alone again."

Sabi ko. Nagulat ata siya kasi napatitig lang siya saakin ng saglit bago niya itinaas yung glass niya. We clink our glasses together tapos sabay uminom.


"Basta buhay pa ako, hindi ka na mag-iisa."

Seryosong sabi ko sakaniya. Humarap siya saakin at ngumiti. Hinaplos niya yung mukha ko. Tinitigan ko siya sa mga mata niya. Sa puso ko, talagang gusto ko siyang samahan kahit saang lupalop pa ng mundo. Ayokong magiisa siya kahit kelan.


"Gusto kita, Jaki."

Naibulong ko. Nagulat din ako sa sinabi ko at mas lalong nagulat siya. Pero napangiti lang siya bago alisin yung kamay niya sa mukha ko.


"Baliw ka. Wag mo akong niloloko ng ganyan."

Sabi niya. Hindi ko inalis yung tingin ko sa mga mata niya. Inayos ko yung buhok niya sa likod ng tenga niya tapos marahang hinaplos yung maganda niyang mukha.

"Baliw, totoo yun. Gusto kita. Kita mo nga oh. Nagpapagwapo ako para kiligin ka naman saakin."

Sabi ko sakanya. Natawa siya sabay kuha ng kamay ko.

"Ang pogi mo nga lately eh. Para sakin ba talaga yan?"

Natatawang sabi niya. Natawa naman ako bago ko siya hinila palapit saakin at hinawi sa may bewang niya. Napahawak siya sa dibdib ko.


"Bakla ako dati eh. Sigurado ako bakla ako dati pero nung makilala kita, bigla akong naguluhan."

Sabi ko sabay tingin sa mga mata niya at halik sa noo niya.

"Gusto kita, Jaki. Hindi ako magsasawang sabihin yun sayo hanggang maniwala ka."


Sabi ko sakaniya. Ngumiti siya saakin at ngumiti din ako sakaniya.


"Parang ayaw kong maniwala, para ulit ulitin mo."

Sabi niya. Natawa ako sa sinabi niya.

"Kahit maniwala ka na, hindi ako magsasawang sabihin yan sayo."


Bulong ko. Tumango lang siya tapos naglakad palayo saakin habang nakangiti. Natatawa naman akong sumunod sakaniya pabalik sa loob.

Pagpasok palang namin eh may isang pamilyar na lalake nang papalapit.


Si Tom Doromal.


Agad siyang yumakap at bumeso kay Jaki na akala mo eh jowa niya. Nainis naman ako pero naalala kong wala naman akong karapatan. Hinayaan ko na lang sila at naglakad na lang ako playo.

Bumalik ako sa hotel mag-isa. Tutal naman eh may kasama na si Jaki dun. May Tom naman na siya dun eh.


Pagpasok ko ng kwarto ay may napansin ako sa sahig malapit sa pintuan. Isa nanamang sobre. Binuksan ko, nagulat ako sa laman nun. Mapakaraming pera.

May nakaipit na note.


My Prince,

For your travel.

Your most loyal servant.


Nababaliw na talaga ako dito. Sino ba to. Nakakatakot naman to.

Maldita Kong BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon