Between Life And Death

480 19 4
                                    

Jaki's POV

Patakbo akong lumabas ng building kung saan andun yung mga ambulansya na rumesponde kasunod ng SWAT Team. Narinig kong may mga putok ng baril pero hindi ko akalain na nasa katabing opisina ko lang pala yun. Hinahanap ng mata ko si Rax o si Anton. Nakita ko naman sila kaagad na nakaupo sa side walk ng opisina sa harap.

"Anton! Rax! Update please. Sinong nasaktan?"

Tanong ko. That was not my question pero yun na lang ang nasabi ko. Agad silang tumayo kaagad.

"Ms. Jaki, wala naman pong casualty as of this time. Yung attack concentrated lang sa opisina ni Mr. Viceral. He was shot twice at ganun din yung body guard niya pero nadala na sila pareho sa ospital. As of now wala pang lead kung sino ang may gawa."

Mabilis na sabi ni Rax. Nagbaling ako ng tingin kay Anton at hinintay ko na may sabihin siya tungkol sa kalagayan ni Vice. Kinakabahan ako. Ayokong magisip ng hindi maganda.

"Ahh. Ms. Jaki, tumawag na po si PSG 2, nasa ospital na daw si Sir Vice at nasa ER. Wala na pong other update."

Kabado niyang sabi. Agad akong tumango at bumaling ulit kay Rax.

"Rax, papuntahin mo sa security room yung representative ng SWAT, I want to know the details. Now. Ask all employees to vacate the building immediately. Go. Anton, bilang secretary ng owner, come with me."

Sunod sunod kong sabi. Agad namang gumalaw si Rax at kami naman ni Anton ay agad ding pumunta sa security room.

"Jaki, gusto ko sanang humingi ng pasensya sa mga pinaggagawa ni Vice. Napakabuting tao niya, siguro... Nasaktan mo lang talaga siya."

Sabi ni Anton saakin nung makapasok na kami sa security room. Napalunok ako bago tumango dahil sa totoo lang ay mas nangingibabaw saakin yung takot at kaba ngayon sa kalagayan niya.

"Wag na muna natin isipin yun, all I am praying for right now is magging okay siya."

Sabi ko bago umupo sa kabisera ng table. Umupo si Anton sa tabi ko at maya maya pa ay sumulpot na yung head of security ko at dalawang memebers ng SWAT Team at isang lalakeng hindi ko kakilala pero kapareho ni PSG ng suot.

"Member ng isang grupo ng assassins ang gumawa nito. Base sa target nila."

Yung lalakeng palagay ko ay si PSG 2 ang nagsalita. Napatingin sakaniya yung mga SWAT members.

"May mga kaaway ba si Mr. Viceral? It looks like siya lang talaga ang target."

Sabi nung isang mas matangkad sa dalawa. Napaisip muna si PSG2 bago sumagot.

"Highly confidential. I will discuss it with his personal security team. Nakakalat lang naman kami sa vicinity kaya nalaman kaagad namin yung gagawin nila. It just so happen na lumapit si Mr. Viceral sa body guard niya kaya siya tinamaan. Actually, stray bullet ang tumama sakaniya. "

Explain ni PSG2. Napatulala ako sa narinig ko. Assassin? Sino ba talaga si Vice at may ganung klase ng banta sa buhay niya. I need to know. I wanted to know.

"Can I speak with you alone, Sir? Ano po pala ang name niyo?"

Tanong ko kay PSG 2. Tumango siya bago nagsalita.

"Ms. Gonzaga, I think tama ka. We need to talk to you, privately. Just call me PSG2. Yun naman tawag saakin ni Mr. Viceral."

Sabi niya. He looked so calm kaya tumango lang ako. Sumenyas ako sa head of security ko na iwan kami at nagbilin na iassist yung SWAT sa opisina ni Vice to check kung may mga evidence pa na naiwan dun. Naiwan kami ni Anton sa loob kasama ni PSG2.

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now