Take Over

490 20 3
                                    

Vice's POV

Nagpupuyos ang damdamin kong humawak sa tali ng duyan. Sa sobrang higpit ng hawak ko dun ay nasugat na ang palad ko sa gaspang nun.

I felt a burning sensation in my eyes na para bang gusto kong umiyak pero hindi ko magawa. Naubos na siguro yung luha ko para sa babaeng wala namang pakialam sa nararamdaman ko.

"She's... Mmmmm."

Naalala kong sabi saakin ni Karylle kanina. She arrived early to talk to me and nanay tungkol sa kasal namin ni Bella, pinakita namin sakaniya at sa mga lawayers niya yung last will and naconvince naman sila na considered null and void na yung usapan ng mga tatay namin. Mukhang siya man ay narelieve sa nangyari. She told me afterwards that she likes Jaki more than me.

Napakuyumos nanaman ako ng kamay sa mga naalala ko. Nung araw na hindi nakarating si Jaki sa formal introduction ko dapat, magkasama daw sila. She showed me a picture of them sa loob ng condo niya. She told me that they kissed at may iba pa daw silang ginawa na hindi na daw niya dapat pang sabihin saakin.

Tumayo ako mula sa swing at nagayos muna ng damit. Pinakalma ko ang sarili ko at huminga ng malalim.

"She deserved it."

Sabi ko bago padabog na naglakad palabas ng maze. Hindi ako lumapit agad sa main party, pasimple akong kumuha ng alak sa bar sa pinakamalayong part ng garden at nagtago muna sa likod ng stage. Ininom ko in one go yung alak na nasa baso ko at kumuha ulit ng bago. Naka apat na shot na ako nung mahanap ako ni Bella. Umupo siya sa tabi ko at ipinatong yung ulo niya sa balikat ko bago hinawakan yung dumudugo kong kamay.

"You're bleeding. Anong ginawa mo?"

Malumanay na tanong niya saakin. Napapikit ako ng madiin bago nagsalita.

"Take me upstairs to my room. Please."

Parang batang nagmamakaawa kong sabi sakaniya kasunod ng mahinang paghikbi ko. Agad naman siyang tumayo ay hinila ako bago inalalayang maglakad. Sa side entrance kami pumasok para hindi mapansin ng mga bisita. Tahimik lang kami pareho nung makapasok sa kwarto ko. Agad siyang kumuha ng bimpo at warm na water para linisan yung sugat ko bago niya yun ginamot.

"Aray!"

Sabi ko sabay akmang babawiin yung kamay ko mula sakaniya pero hinila niya lang yun ulit. Napangiwi ako nung lagyan niga ulit yung ng alcohol at betadine bago balutin ng benda.

"Ano ba kasing ginawa mo? Para kang naglago ng Tug of war eh. Saan ka ba umakyat."

Sabi niya habang inaayos ang benda sa kamay ko. Hindi ako nagsalita, I just looked at her. Tumama na ata yung alak na ininom ko kanina.

"Bells? Mahirap ba akong mahalin?"

Tanong ko sakaniya. Napahinto siya sa ginagawa bago tumabi ng upo saakin. Tumawa siya kaunti kaya napakunot ako ng noo.

"Kung ano ano tinatanong mo. Matulog ka na. Ako na bahala sa baba. At Vice? Hindi porket hindi ka niya mahal eh ibig sabihin na nun ay mahirap kang mahalin. Sadyang bulag lang siya kaya di niya makita kung gano siya kaswerte na mahal mo siya."

Sabi niya saakin sabay ayos ng unan ko at tanggal ng suit jacket ko. Inalis ko din muna yung neck tie ko bago humiga. Nakaramdam ako ng pagkahilo at pagod kaya agad akong nakatulog.

"Hindi ka mahirap mahalin. Hanggang ngayon nga ikaw lang ang mahal ko eh. Hay."

Mahina pero narinig kong sabi ni Bella kasunod ng munting halik sa pisngi ko. Hindi ako ngmulat ng mata at pinili kong magtulog tulugan na lang hanggang sa maramdaman kong nakalabas na siya. Tumulala ako sa kisame ng kwarto ko.

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now