By Gones

456 18 7
                                    

Vice POV

"Wala namang vital organs na tinamaan, you are one lucky guy, Mr. Viceral. Daplis lang yung dalawang tama mo. As for your body guard, naka bullet proof vest siya kaya wala namang seryosong tama."

Sabi ng doctor saakin habang nasa loob ako ng isang puting kuwarto. Nakahinga ako ng makuwag sa sinabi niya. Naramdaman kong hinawakan ni nanay yung kamay ko at marahang pinisil. I looked at her, kanina pa siya iyak ng iyak sa tabi ko.

"Nay, kumalma ka naman kaunti jan. Buhay na buhay pa po ako pero kung makaiyak kayo jan eh parang lamay ko na."

Biro ko sakaniya. Sinamaan niya ako ng tingin at pinalo sa may hita. Napangiwi ako sa ginawa niya.

"Jose Mari! Jusko po! Ngayon pa nga lang na buhay ka eh ganito na ako umiyak paano pa kaya kung... Jusko po. Asan ba si Xing!?"

Malapit na siyang mag break down sa tabi ko. Kanina pa niya hinahanap si Xing otherwise known as PSG2.

"Ah, mam. Wag po muna natin istress ang pasyente. Baka po dumugo ang sugat eh. Dito ka muna over night Jose Mari, bukas pwede ka nang lumabas."

Sabi ng doctor. Nag-thumbs up ako sakaniya bago sumagot.

"Opo, doc. May kasal pa akong pupuntahan eh. Kailangan ko talagang makalabas kaagad."

Nakangiting sabi ko sakaniya. Natatawa naman siyang nagpaalam saamin bago lumabas. Pagkalabas na pagkalabas niya ay agad namang dumating si Bella. Magulo ang buhok at namumutla sa kaba. Natawa ako ng kaunti.

"Bells. Anong nangyari sayo? Mas mukha ka pang nakipagdigma kesa saakin ah."

Biro ko sakaniya nung makalapit na siya saamin. Nakita kong bumagsak yung mga balikat niya na parang nakahinga siya ng maluwag sa sinabi ko.

"Magaling ka na nga. Okay na po siya Tita. Iwan na natin."

Birong sabi niya sa nanay ko na ngayon ay nagpupunas na ng mga luha at natatawa na din.

"Okay na talaga ako. Kumalma na kayo. By the way Bells, kamusta ang preparations?"

Baling ko kay Bella. Mas nagging engaged ako sa preparation para sa kasal dahil sa totoo lang nararamdaman ko naman na deserve ito ni Bella. Bumuntong hininga muna siya at umiling.

"Nabaril ka na nga at lahat yan pa din talaga una mong iniisip."

Sabi niya saakin. Napatikhim naman ng kaunti si Nanay sa tabi ko kaya napalingon ako sakaniya. Tinaasan niya ako ng isang kilay.

"Magpahinga ka muna. Kami na ang bahala jan sa preparation na yan. Ang mahalaga may groom si Bella sa araw ng kasal."

Sabi niya saakin. Tumango ako at ngumiti sakanila. Napatingin kami lahat sa pinto nung biglang bumukas yun. Sumilip muna si Anton bago kumaway at tuluyang pumasok. Ngumiti ako sakaniya pero napakunot noo ako nung makita kung sino yung nasa likod niya. Si Jaki.

Hindi siya makatingin ng deretso saakin at mukhang stressed ma stressed siya. Napalunok ako.

"Nay, Bells? Nagugutom na ako."

Sabi ko. Nagets naman kaagad nila ako kaya nagpaalam na silang aalis muna at bibili ng pagkain. Napatingin naman saakin si Anton at kay Jaki bago nagsalita.

"Nagutom din ako bigla. Mauna muna ako."

Nagmamadali niyang sabi. Naiwan naman kami ni Jaki sa loob in awkward silence. Bumuntong hininga ako.

"How are you?"

Tanong niya habang naglalakad palapit saakin. Huminto siya sa may paanan ko at tumingin lang saakin. Tinatantya ko siya.

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now