Enemy Borders

492 20 2
                                    

Vice's POV

Nakaupo kami ni Bella sa may pool habang may hawak na tig-isang bote ng red wine. Nagsiuwi na yung mga kasama namin at gaya ng sinabi niya kanina eh sinamahan niya ako sa pagdadrama ko.

"Well, think of it this way. Baka naman phase lang yung kay Jaki. I mean, may nagging girlfriend ba siya? May ganun ba? Baka naman confused lang siya?"

Sabi ni Bella bago lumagok straight mula sa bote ng wine na hawak niya. Nagkibit balikat lang ako. Hindi ko kasi alam kung ano ang isasagot ko. Napabuntong hininga ako.

"Nung nasa Thailand kami, may mga pinaramdam siya saakin na bagay na akala ko totoo. Nagtataka ako bakit biglang nagging magulo."

Sabi ko sabay tungga din ng wine. Nangalahati yun agad. Tumayo si Bella at naglakad palapit sa pool kaya sumunod din ako. Umupo siya sa gilid para mailubog yung mga paa niya sa tubig na ginaya ko din.

"Hay. Remember yung Jasmine Curtis na gf ng kuya niya? Yung naghahanap sakaniya kanina sa opisina niyo? There are rumors about her before..."

Sabi niya habang nakatingin sa malayo. Kinuha ko yung bote ng wine at lumagok muna baka kasi hindi ko kayanin yung sasabihin niya.

"Rumors about what?"

Tanong ko sabay tingin sakaniya. She looked conflicted na parang nagdadalawang isip siya. She sighed and gave in.

"Hindi ko alam kung totoo, there are rumors about her being involved with... A girl.... While sila ni Jack. Sabi ng iba, hindi ko sure ha kung totoo, na kaya daw biglang nag-everest si Jack eh dahil nalaman niya yun. Gusto niyang takbuhan yung problema. Something like that."

Mahabang kwento ni Bella. Napalunok ako sa sinabi niya bago sabay kaming uminom ng alak at sabau ding nagbaba ng bote sa pool side.

"Are you saying na? Si Jaki?"

Tanong ko. Napakunot siya ng noo at nagkibit ng balikat.

"Hindi ko alam."

Napayuko na lang ako. Bakla ako dati ngayon naman in love ako sa babaeng baka babae din ang gusto. Ano ba namang kapalaran to.

"Stop looking glum. Ano ka ba. Hindi pa naman huli ang lahat eh."

Nakangiting sabi niya saakin sabay yakap sa bewang ko. Bumuntong hininga ako at sinaid yung laman ng bote ng wine ko. Tahimik lang din si Bella hanggang maubos namin yung mga alak namin.

"Andito lang naman ako for you. What are bestfriends for."

Sabi niya na nagpangiti saakin. Tumango lang ako.

"Opo, Nay."

Biro ko sakaniya kaya inisplash niya ako ng tubig. Nagulat naman ako sa ginawa niya pero hindi ako nagpatalo. Tawa ako ng tawa dahil basang basa siya ng tubig. Sinamaan niya ako ng tingin bago siya tumalon sa pool habang nakahawak sa braso ko kaya nahulog kami pareho.

"What the heck!! Ang lamig! Shit!"

Sigaw ko na tinawanan niya lang. Nauna siyang umahon at kumuha ng tuwalya sa beach chair at inabot saakin ang isa.

"Thanks for staying. Isa kang tunay na kaibigan."

Sabi ko sakaniya habang nagpapatuyo ng buhok. Tumango lang siya bago nagbukas ng dalawang bote ng beer at binigay saakin yung isa. We clinked bottles at sabay na uminom.

Hindi ko alam kung gaano pa kami katagal nagkwentuhan pero maguumaga nung nagsimula kaming antukin. Dito ko na siya pinatulog sa bahay ko. May mga damit naman sa guest room. Umakyat na din ako sa kwarto ko at agad na nakatulog after kong magbihis.

Maldita Kong BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon