Tagpuan

763 29 3
                                    

"Ahh! Lunch meeting po with the investors. Pero meron pa naman po kayong 1 hour to spare."

Bawi ko. Tumango siya habang titig na titig pa din saakin.

"Mam, wag niyo po akong titigan. Baka matunaw ako before ng meeting."

Biro ko sakaniya. Napabawi naman siya ng tingin tapos parang mejo napangiti ng kaunti.

Mas gumaganda din talaga tong babaeng to pag nakangiti eh.

Sabi ko sa sarili ko tapos binawi ko din pagkatapos. Ano ba tong nangyayari saakin. Makapagpatawas nga sa linggo. Susme!

"Saan ka nagpareserve? I'm allergic to seafoods. Just so you know."

Sabi niya. Kung kanina eh halimaw siya, ngayon ay mejo kalmado na siya. Bumuntong hininga muna ako bago sumagot.

"Steak house po yung pinagpareservan ko, mam. Alam ko po na allergic kayo sa seafoods and also sa any kind of nuts."

Wala sa sariling sabi ko habang chinecheck yung company phone na hawak ko.

"Nagresearch ka talaga ha. Mabuti naman, kasi may isa akong secretary dati na muntik na akong mapatay dahil hindi niya alam yung mga allergies ko."

Mahina niyang sabi habang nakasandal ang ulo sa sandalan ng swivel chair at nakapikit ang mata. Tinitigan ko siya. Mukhang pagod na pagod siya kahit wala pa kami sa kalahati ng araw.

*Ting

Napatingin ako sa company phone na nasa ibabaw ng table dahil may message si Ms. Rax.

Ms. Rax: Tumawag yung secretary ng CEO ng DGC, pinapacancel yung meeting this afternoon. Nasa Davao pa daw si Sir Tom. Please resched daw ng saturday 10am.

Nagreply ako bago nagsalita.

"Ms. G, cancelled po yung 5pm niyo with DGC. Nasa Davao pa daw po si Sir Tom. Saturday 10am na lang daw po."

Mahinang sabi ko kasi parang nakatulog ata siya. Pero nagkamali ako.

"Fine. Sakit sa ulo talaga yang Tom na yan."

Mahina niyang sabi na halatang pagod talaga. Tumayo naman ako tapos pumwesto sa likuran niya para imassage yung ulo niya. Nagulat siya ng kaunti pero nung naramdaman niyang guminhawa siguro yung pakiramdam niya eh hinayaan niya na lang ako.

"Grabeng stress mo naman Ms. G, alagaan mo naman sarili mo."

Pabulong kong sabi na hindi ko alam kung narinig niya. Nung napansin kong nakaidlip siya ay hinayaan ko na lang muna. Umupo ako sa upuan ko kanina tapos iniscan yung mga reports na pinaguusapan nila kanina.

Ilang buwan na palang mababa ang production sa Cavite at La Union, kaya siguro stress na stress tong boss kong maganda.....

Erase! Erase!

Kung ganto ang result ng production, sigurado akong damay ang sales nito. Mukhang may masasabon nanaman mamaya.

30 minutes before the meeting ay marahan ko ng ginising si Ms. G.

"Ms. G, gising na po. Kailangan na po natin magprepare for the meeting."

Sabi ko habang marahang nirarub yung kamay niya para magising siya.

Lambot naman ng kamay.

Viceral! Ano ba!

Inaaway ko na ang sarili ko.

"Hmmmm. 5 minutes pa, Mom. Please."

Mahinang sabi ni Ms. G. Parang piniga yung puso ko sa narinig ko. Hanggang ngayon naalala pa din niya yung nanay niya.

Maldita Kong BossOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz