ViceBell

494 20 3
                                    

Vice's POV

Saturday.

A few days after nung confrontation namin ni Jaki. Hindi pa din kami naguusap except pag about sa business. Natapos ko ng basahin yung proposal ni Jasmine pero hindi ko pa sinubmit for approval. Feasible din naman talaga yung partnership, pero it would require us to work with Jasmine.

Mabuti na lang at wala akong pasok today.

Nakaupo ako ngayon sa veranda at lumalaklak ng alak habang hinihintay ang pagbubukang liwayway. I feel so wasted pero hindi dahil sa alak kundi dahil sa lungkot.

Alam mo yung pakiramdam na wasak na wasak ka kahit hindi naman nagging kayo? Asang asa na ako eh. Sa mga pa-i love you niya, sa mga pasweet niya.

"Pucha! Mapababae mapalalake, olats."

Sabi ko sabay lagok ng alak. Nasa tapat ko nung si Anton na kanina pa bagsak sa kinauupuan niya. Napahablot ako ng kaha ng yosi na nasa ibabaw ng lamesita at nagsindi ng isa bago humitit at tumayo para sumandal sa railings.

Hinithit ko yung yosi at naubos ko yun kasabay ng unti unting pagsilip ng araw sa horizon. Pinatay ko sa ashtray yung baga ng yosi at kinuha yung bote ng alak at itinaas na para bang nakikipag cheers ako sa araw.

"Welcome back!! Nice to see you again!"

Sabi ko sabay lagok at binaba yung bote sa concrete railing ng balkonahe.

"Viceral!! Hoyyy!!"

Narinig kong sigaw ng isang babae mula sa garden ko. Susuray suray kong niyuko kung sino yun.

"Bella!! My friend!"

Lasing kong sabi sakaniya sabay kaway kaway pa. Umiling iling siya bago nakapamewang na sumigaw mula sa baba.

"Pucha! Bangag ka ba!? Antayin mo ko jan!!"

Sabi niya. Natawa ako sa sinabi niya at pa iling iling na bumalik sa upuan ko. Sinandal ko yung ulo ko sa sandalan ng upuan at pumikit saglit. Naramdaman ko kaagad na hinila ako ng antok.

Naalimpungatan ako na may kung sinong umaakay na saakin patayo. Binuksan ko yung isang mata ko para masilip kung sino yun. Si Bella.

"Huysss. Kala mo ba.... Kaya mo ko?"

Bangag kong sabi sakaniya. Hindi niya ako sinagot kaagad dahil mukhang hirap na hirap siya saakin. Sinubukan kong tumayo para hindi siya mahirapan.

"Wag kang magulo. Halika na. Ambaho mo! Kelan ka pa natutong magyosi."

Galit na sabi niya habang inaalalayan ako sa pagpasok sa kuwarto ko. Agad akong bumagsak sa kama ko at dahil sa bigat ko eh nahila ko si Bella. Napadagan siya sa ibabaw ko. Nagmulat ako ng mata. Ilang inches na lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko.

"Oh oh oh!! Chachansing ka pa eh. Hindi ako si Jaki, uy!"

Sabi nito bago agad na tumayo. Dumapa naman ako at natulog na lang.

Naalimpungatan ako sa naghuhurumintadong si Anton. Napabalikwas ako ng bangon dahil sa gulat.

"Ano yun?? Ano yun!!"

Sigaw ko din habang nakatingin sakaniya na nakatakip pa ng bibig habang nakatingin saakin at sa kung anong nasa kama ko. Sinundan ko ng tingin yung mga mata niya, si Bella na natutulog sa tabi ko. Nakahinga ako ng maluwag.

"Jusko po naman Anton. Akala ko naman kung ano na."

Sabi ko sabay akmang tatayo na sana kaso napansin kong wala akong kahit anong saplot bukod sa boxers ko. Nanlaki yung mga mata ko at pabalik balik ng tingin kay Anton, sa hubad na katawan ko at kay Bella. Napabalikwas si Bella sa tabi ko at nagkusot ng mga mata bago kunot noong tumingin saamin.

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now