Isle Jose Mari

562 20 5
                                    

Vice's POV

It was a long and agonizing trip. Hiwa-hiwalay kaming ibinyahe papunta sa isang safe house to ensure our safety. Nauna saakin sina Jaki at Anton at ako ang huli.

Hindi ko alam ang exact location ng destinasyon namin pero alam kong sa labas yun ng bansa.

In just a matter of hours ay nagawan nila ako ng bagong passport, sinilip ko yun.

"James Paul Narvasa? Sino naman to?"

Bulong ko sa sarili ko. Sinipat ko yung picture, letrato ko ang andun. Nakaupo ako ngayon sa likod ng isang lumang toyota vios na super dark ang tint. Kasabay naming lumabas yung bullet proof na BMW at isang for focus na kulay pula. Sabi ni PSG, para daw hindi kami masundan.

Nakasuot ako ng wig para magmukhang long hair ako at itim na sumbrero habang dun sa kabilang sasakyan at may dummy na Vice.

"Feeling ko nasa movie ako."

Sabi ko. Sinilip ako ni PSG sa rearview mirror at nagsmirk siya saakin.

"Mahirap magging mayaman, boss. Lalo na at pinagsabay mo pa. Royalty ka na nga rich kid ka pa."

Natatawang sabi niya. Napailing na lang ako. Hindi ko naman hiniling ang lahat ng to eh. Yung nanay ko lang talaga ang gusto kong makilala noon eh.

"Pagbaba natin sa airport, sasabay tayo sa mga regular passengers, habang sa private jet yung nasa BMW. Try to look calm. Wag kang lingon ng lingon, basta maglakad ka lang."

Sabi niya saakin. Tumango lang ako. Sinubukan kong tawagan si Jaki pero out of coverage area siya. Napansin ata ni PSG kaya sumagot na siya.

"All communications were severed. Safety purposes. She is in good hands. Bati na ba kayo?"

Sabi niya sabay sulyap ulit saakin mula sa rearview mirror. Napangiti lang ako bago ngumiti sakaniya.

"Ikaw PSG, tsismoso ka din eh."

Biro ko sakaniya. Napangiti siya sa sinabi ko bago nagsalita.

"Sir Vice, madami akong alam na hindi mo alam na alam ko. Bad boy ka lately."

Natatawang sabi niya. Napakunot noo naman ako sa sinabi niya at bigla kong naalala yung ginawa ko kay Jaki nung party sa bahay ko. Namula ako sa hiya na nagpatawa naman sakaniya.

"Wag kang mag-alala, boss. Kakampi mo naman ako eh. Wga mo lang ulitin kundi bubugbugin kita."

Pabirong sabi niya. Natawa naman ako bago tumango. Tahimik na kami pareho buong byahe hanggang makarating ng airport. Ibinaba niya ako in plain view kasunod nung bumaba mula sa ford na pula. Yung BMW hindi ko na nakita. Dalawang tao ang bumaba mula sa kabilang sasakyan, isang babae at isang lalake. Parehong mukhang turista lang sila na nakaback pack pa at may hawak na selfie stick. Pinauna ko silang maglakad at naglakad ako sa likod nila.

Sumakay kami sa eroplano papuntang Hong Kong.

Pagdating ko sa Hong Kong ay sinusundan ko pa din yung dalawa. Huminto sila sa harap ng train at sumakay dun. Maya maya pa ay pasimpleng inabot saakin nung lalake yung isang binilot na papel. Simple siyang sumenyas saakin na bumaba nung bumukas yung pinto. Naglakad ako papunta sa CR at pumasok sa loob ng isang cubicle, binasa ko yung note.

Bauhinian Cruise.

Yun lang ang nakasulat dun. Minemorize ko yung nakasulat at pinunit yung papel bago flinush sa toilet. Lumabas ako ng CR at lumabas ng hotel. Tinignan ko yung phone ko, may nakaset na offline map dun papunta sa lugar na nakasulat sa papel.

Nakarating ako sa isang dock kung saan madaming taong nakapila para sa cruise. Pumila ako kasama nila hanggang sa makarating ako sa loob ng malaking cruise ship.

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now