Riptides

481 22 0
                                    

Bella's POV

Nagising ako na madilim na ang paligid. Nakadantay ang isang braso ni Vice saakin habang natutulog siya ng mahimbing. Wala na din sa tabi namin si Nanay Rosario. Tinignan ko si Vice, he looks peaceful. Sino ang magaakala na kahapon lang o kanina ba yun? Halos hindi ko na ako makapag keep track ng oras, eh nasa bingit siya ng kamatayan.

Hinaplos ko yung maamo niyang mukha bago ko hinalikan yung noo niya.

Nasa harap ko ngayon yung nagiisang lalakeng minahal ko ng buong puso pero ang nagiisang tao ding hindi kailan man magiging akin.

Dahan dahan akong tumayo mula sa kama at lumabas sa veranda. Tumayo ako sa may baluster na gawa sa kahoy at ipinatong ko ang mga kamay ko dun kasabay ng pag tanaw ko sa napakagandang karagatan.

The moon is perfectly round and looming over the dark ocean.

There is something sorrowful and almost magical about how the moon reflects on the surface of the ocean at kung paanong kumikinang yun na parang maliliit na diamonds. Napayakap ako sa sarili ko dahil sa lamig ng hangin na dumadampi sa katawan ko bago ko nilingon si Vice na natutulog pa din sa malaking kama na nasa gitna ng kwarto.

"Perfect."

Bulong ko sa sarili ko bago ako ulit tumanaw sa karagatan. A small speck caught my attention. Napakunot noo ako sa pagsubok na tignan yun ng maigi. It was a small boat. No. It is a yacht.

Kumikinang ang puti nitong kulay sa tuwing tatamaan ng liwanag ng buwan at halos parang sumasayaw ito alinsunod sa kanta ng mga alon sa dagat.

"Baka sila Jaki na yan."

Malungkot kong sabi sa sarili ko. Dumating na yung babaeng nagpapatibok ng puso ng taong nagpapatibok ng puso ko. Napahawak ako sa dibdib ko, dahil nakaramdam ako ng pinong sakit doon.

"Bells? Gising ka na pala. Gutom ka ba?"

Napalingon ako sa lalakeng nakatayo na ngayon sa likod ko. Si Vice.

Pupungas pungas pang nagkukuskos ng mga mata at halatang naalimpungatan din ito. I smiled at him with a heavy heart.

"Vice? I want to tell you something."

Nakangiting sabi ko sakaniya sabay abot ng kamay ko. Nagtataka man ay kinuha niya yun at tumabi saakin.

"Ano yun?"

Sabi niya. Halatang bagong gising dahil bedroom voice pa siya. Tumingin ako sa mga mata niya.

"Alam kong mahal mo siya. At ako? Panakipbutas lang naman ako di ba?"

Umpisa ko. Napansin kong nalungkot siya sa sinabi ko at akmang magsasalita pa pero pinigilan ko siya. Ayokong maunahan niya pa ako.

"Don't say a word. Makinig ka lang."

Sabi ko. Bumuntong hininga siya at tumango bago tumitig sa mga mata ko. Those eyes. Yung mga matang pinapangarap ko na saakin lang titingin. They were like embers sa madilim na gabi. Tuwing titingin ako sa mga mata niya ay para akong nalulunod sa emosyong dala ng mga yun.

"I know sub lang ako ni Jaki. I want you to know that I am willing to step back, just in case gusto na niyang magpakasal sayo. Just tell me."

Sabi ko. Nakita kong nagulat siya sa sinabi ko pero nakita ko din na tila inaantay niya na din yun. Ipinatong ko yung kamay ko sa ibabaw ng wooden balusters ng veranda and I let my hand slide through it, feeling every uneven surface of the wood. Just like how I felt right now, unsure and uneven.

Naramdaman kong yumakap saakin si Vice. I felt his warmth enveloped my cold body. I tried so hard para pigilan ang sarili ko na yakapin din siya dahil baka hindi na ako bumitaw pa pag ginawa ko yun.

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now