Wedding Bells

506 21 7
                                    

Vice's POV

"So tell me again, bakit all of a sudden eh gusto niyong magpakasal ng Bella ko?"

Usisa ulit ng daddy ni Bella saakin. Naka-apat na siyang tanong mula kaninang dumating siya. Nakaupo kami ngayon sa may garden at umiinom ng whiskey.

"Sir, matagal na po kaming magkakilala ni Bells. Naalala niyo po? Highschool sweethearts po kami. It just so happen na siya pala yung new model ng company namin and we rekindled our romance. It was sudden, I know po, pero this time po kasi ayaw na namin pakawalan ang isa't isa."

Tantiyado pero praktisado kong sabi. Kanina pa namin nirerehearse ni Bella yung mga isasagot namin sa daddy niya. Tinawagan niya ito nung umaga at agad naman itong dumating galing Cebu. We had a late lunch with him and nanay, parang pamamanhikan na din.

"I know. Baka naman nabuntis mo ang anak ko? Sabihin mo na lang saakin. Tutal naman gusto ko na din magkaapo."

Sabi niya sabay tapik pa sa balikat ko. Muntik ko nang maibuga yung whiskey na ininom ko sa sinabi niya. Napailing iling ako.

"No, Sir. I assure you po, walang ganun."

Sabi ko. I'm secretly praying na sana lumabas na si Bella. Tinulungan pa kasi niya si Nanay na mag-unpack. We are trying our best to convince our parents na walang something fishy sa pagpapakasal namin. It was part of our deal.

"Wag mo nga akong i-Sir at hindi naman ako teacher. Just call me Dad, dun din naman na pupunta soon."

Sabi niya. Napangiti ako dahil buong buhay ko wala akong tinawag ng ganun.

"Yes, Dad."

I said. Napatalon ng kaunti yung puso ko sa saya. Masarap pala na may tatay. Kahit hindi man siya yung tunay kong tatay. Humawak siya sa balikat ko at tinignan ako sa mga mata.

"Bella is all I have left. Alam mo naman na namatay na yung mom niya nung 8 pa lang siya di ba? Please, take good care of my princess. Kahit headstrong yan, alam ko na deep down may pagka-softy din yan."

Sabi niya saakin na parang maiiyak na. Napakurap kurap naman ako dahil tumagos saakin yung bawat salita niya. Tumango ako.

"Opo, Dad. I will take care of her. I will try to make her happy every day."

Sabi ko. Totoo lahat ng yun dahil hindi ko naman talaga siya kayang pabayaan, baka nga even after ng hiwalayan namin eh. Ngumiti saakin si Dad at tumango bago tumayo.

"Well then, it's getting late. I should go, see yoy tomorrow at the party."

Sabi niya. Tumango lang ako at tumayo na din para sabayan siya papasok ng bahay. Nagpagusapan na din kasi namin kanina yung tungkol sa engagement party na gaganapin bukas ng gabi. Nagsend na ako ng invites kanina, I even invited Jaki. I wanted to show her that I am no longer interested in her. I want her to realise na sana siya yung mapapangasawa ko kung hindi niya ako tinanggihan. A part of me wanted to make her jealous. Winaksi ko yung thought na yun.

Masyado na siyang madaming pasakit na dinaanan para dagdagan ko pa.

Ni hindi ko nga alam kung magseselos ba siya, dahil nga hindi naman niya ako mahal.

Napangiwi ako nung maisip ko nanaman yun. Sinalubong kami ni Bella sa may front door. Agad niyang inangkla sa braso ng daddy niya yung mga kamay niya at masuyo itong tinignan. Napangiti naman ako. Daddy's girl talaga to.

"Are we going?"

Nakangiting tanong niya sa dad niya. Humalik sa ulo niya ang daddy niya at tumango.

Maldita Kong BossWhere stories live. Discover now