56: The Beginning of an END

4.9K 71 4
                                    

(THIRD PERSON'S POV)





/BANG/





Laking gulat ng lahat dahil sa putok ng baril. Nagawang itulak ni Nicole si Riya papalayo at nagawa ring itulak ni Brian si Sabrina. Ngunit sa kasamaang palad.....





"NIICCOOLLEEE!!" -silang lahat





Nakaiwas naman si Nicole sa pagputok ng baril ni Sabrina kaso nadulas siya at nahulog nang di nilang napapansin may bangin sa likod niya. Doon na siya nahulog.





'Hindi.' Bulong ni Brian pagkatapos, agad siyang tumayo at pinuntahan si Nicole. Nakita niyang nakahiga si Nicole sa baba na hindi masyado malalim. Agad naman siyang napatalon.





Niyakap niya kaagad si Nicole sa kanyang mga braso at sinusubukan itong gisingin.





"Nicole.... Nicole! Gumising ka." -Brian





Sinubukan pa niya ito ng maraming beses at napamulat si Nicole kahit slight lang, kahit hindi maklaro, makikita lang din ang mukha ni Brian.





"B-Brian...." -Nicole


"Nicole. Just damn it!! I should've forcefully took you away from here!!" -Brian


"D-Don't blame....yourself." -Nicole


"Sino banUGGHH!! Dadalhin ka namin sa hospital, Nicole. Just stay with me, okay? Don't you ever sleep on me!" -Brian





Sinubukang kargahin ni Brian si Nicole nang may napansin siyang basa sa likod ng kanyang ulo. Tinignan naman niya ito at nagsimula rin ang pagkataranta niya dun.





Dugo.....





"Nicole!! Wag kang matutulog, okay? Dadalhin ka na namin kaagad sa hospital!! Stay with me. Stay with me." -Brian





Agad niyang kinarga si Nicole at nagpapatulong na maibalik sila sa taas saka maidala ng mabilis si Nicole sa hospital.





Pero pagkarating nila sa hospital, puno ng dugo ang damit ni Brian at patuloy parin tumutulo ang mga dugo ni Nicole. Ilang pilit niyang hindi matutulog ngunit, nanghihina na siya. Napansin na rin to ni Brian kaya hinawakan niya ang kamay ni Nicole and she intertwines it with hers. Kinakabahan na tuloy si Brian sa mangyayari lalo na dumudugo ang sugat ni Nicole sa kanyang ulo na hindi pang narerecover dahil sa noong aksidente.





"N-Nikki...." -Brian





Napangiti nang bigla si Nicole.





"Tagal ko nang....h-hindi naririnig ang pangalan na yan." -Nicole


"Nikki, wag kang bumitaw sa akin please."


"T-This time, ako na ang magpoprotekta sayo." -Nicole


"Hindi! Nikki....mahal kita...."





Napabitaw na si Brian sa kamay ni Nicole nang napigilan siya ng nurse sa pagkarating nila sa operation room. Lumabas na rin ang mga luha ni Brian at tinakpan niya ang mukha niya gamit ng mga kamay niya saka napaupo sa sahig.





Lumapit si Yvonne sa kanya at umupo sa kanyang tabi dahil pati na rin siya, napapaiyak sa mangyayari. Niyakap nalang niya si Brian habang umiiyak.





Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now