09: First warning.

7.6K 117 1
                                    

(NICOLE'S POV)





After lunch time, hindi na ako pumasok. Hindi na rin ako nagpaalam sa iba kasi.....wala lang. Trip ko!





Bibisitahin ko sana si Lena sa HQ. Nagtext kasi si Travis eh na gising na siya at kumakain, so plano kong bisitahin siya at ako naman mag aalaga dun. But it sucks na magtataxi lang ako.





Wala akong dalang kotse kasi nasa bahay eh sa bahay naman ako ni Yvonne natutulog.





Pero bago ako dumating doon sa HQ, bumalik muna ako sa bahay ni Yvonne dahil syempre para makapagbihis ng outfit.





At nang nakarating naman ako dun, dumiretso ako sa kwarto ni Lena.





"Oh? Nyx? Nandito ka na pala." -Travis


"Okay ka na?" tanong ko kay Lena.





Tumatango naman siya at ningitian ako. Buti nalang, maayos na ang itsura niya at kumakain siya ng maayos. /sighs/ Kasalanan ko kasi to dahil napahamak siya nang dahil sa akin.





"Ano? Maglulunch ka ba rito, Nyx? Pasalamat ka at marami akong niluto. Teka, kukunan kita ng pagkain dahil alam ko hindi ka pa kumakain. Maiiwan ko muna kayo." -Travis





Lumabas kaagad si Travis tapos tinanggal ko na ang maskara ko saka umupo sa harap ni Lena.





"Bakit ka ba nandito? Wala ka bang klase sa hapon, class rep?" -Lena


"Medyo nakakatamad na pumasok at masakit parin ulo ko sa mga nangyari kahapon. Ikaw ha, pinag-aalala mo ako."


"Okay lang naman ako eh ikaw? Bakit ka ba kasi sumuko?" -Lena


"Gusto ko malaman ano pakay nila sa akin pero...."





I can't tell her either.





"Wala akong nakuha ng magandang impormasyon. Useless people. Ang hirap ba naman din nilang patayin. High4 gang tuloy ang napatay ko instead of them."


"Oo nga lang naman, kahit mas malakas ka pa kaysa isa sa amin. Sometimes, hindi mo naman din makakaya ng mag-isa, Nicole." -Lena





Kung alam mo lang.....





"Anyways, alam na ba to ni Kuya Lance? Ang nangyari sayo?"





Napahinto kumain si Lena at napalungkot ang mukha niya pero tumango lang.





"Nagalit siya syempre, pero niyakap naman niya ako sa huli tapos ang bakla umiyak." -Lena


"Bully ka sa kuya mo."


"Speak for yourself. Pinagsasalitaan ng masama." -Lena


"Whatever. He's not my brother."


"Sa isip mo at puso mo, pero magkapatid parin kayo sa dugo. Hindi mo na yan maiiwasan kahit gaano ka pang galit sa kanya." -Lena





Natahimik lang ako.





"At alam mo hindi ko talaga maiintindihan kung bakit ganyan ka galit kay Kuya Niel." -Lena


Behind Her ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon