39: Broken.

3.5K 66 1
                                    

(CASSIE'S POV)





Ilang araw na nakalipas, hindi parin nagigising si Nicole. Pumapasok parin kaming lahat sa school para sa klase kahit temporary lang except Nathan, Lena at Lauren. Parang college nga lang eh, hindi masyado pumapasok ang mga teachers so di bale self study.





Hindi rin kami masyado nag-uusap lahat ng mga bagay-bagay dahil sa mga pangyayari, ano pa bang paguusapan namin?





Si Raven at Denise, medyo napapadalas na ang pagsasama nilang dalawa.....pero si Luke parang nagiging look out na ni Den pagdating kay Kuya Chun. Nagtataka na nga si Raven kasi lagi silang magka-away ni Den noon and then....boogsh!! Ang close na raw nila sa isa't isa. Kaya hala nagimbestiga hanggang sa nahuli niyang malaman na may gusto na pala si Luke kay Den. HAHAHAHAHAHAHA!! Ang priceless talaga ng mukha ni Raven sa pagtatampo dahil siya ang panghuling nakaalam.





Si Yvonne? Napapadalas na ang pagsasama nila dalawa ni Kuya Niel. OMG!! Mag level up na nga kayo!! Kaso on the other side....napapadalas na rin ang pagiging tahimik ni Brian. Hindi ko alam kung dahil sa kanilang dalawa o sa mga pangyayari. Malalim ang iniisip eh, tsaka tingin ko parang hindi na siguro tungkol sa kanila Yvonne at Kuya Niel. Ni hindi man lang niya napapansin na nandyan lang sila sa paligid-ligid. Talagang malalim ang iniisip!!





Pero hala si Kailey!! Nakikipag date na yata kay Anthony!! Hindi ko nga alam o nasisigurado kung sila na ba talaga kasi sa sobra nilang mag PDA!!





Tapos si Francis.....parang iniiwasan ako? Hindi ko alam. Mas napapadalas na siyang makipag-hang out with Bianca kaya naleleft out na si Jamie. Lagi nang pumupunta sa library. Naging bookworm.





I wonder kung bakit niya kaya ako iniiwasan? Dahil ba sa mga sinabi ko noon? /sighs/ Malamang! Sino bang hindi magtatampo sa karaming sikreto naitatago mula sa kanila? Tsaka, bakit ba namin ipagpaalam ito sa kanila tapos ikakatampo lang kasi hindi nagsasabi ng totoo? Tingin niyo, gustuhin ba namin pagusapan to?





Wait. Joke lang! Hindi ako galit. I mean, siguro.....pero ano ba yan! Ayokong isipin pero dahil sa pakikipag-hang out niya with Bianca a lot.....siguro, may gusto na si Francis sa kanya. Actually, parehas nga sila kanila Anthony and Kailey, nag P-PDA na sa school.





< // 3





Ouch lang ah?





Pero hindi ko lang ipinakita sa kanila ang ganito kong emosyon at pinagtatawanan pa nga sila Mark at Patrick eh dahil sobra na nilang namimiss sila Lauren at Lena. Makaiyak ba naman parang baby!! WAGAS NA WAGAS!! Kung magiging ganito ang mga anak ko, nak....baka mai-abandon ko ha? Di joke lang!! Ang sama ko na Mommy!! HAHAHAHAHAHA!!





Gusto ko ang magiging anak ko na ganun ka-sweet tulad ni Xiho at cute pa!! Teka, bakit napunta sa usapan ang magkaroon ng anak? Yaks!! Ang bata ko pa po!!





Naglalakad lang ako sa hallway papuntang cafeteria nang nakikita ko sila Bianca at Francis na magkasama ulit. Nagmamadali akong naglakad at pumasok sa CR. Napabuntong hininga naman ako.





"Kaya mo to, Cassie. Kaya mo to."





Labanan mo ang feelings mo, Cassie.





/sighs/ Nicole ba naman kasii....kung kailan kailangan kita, wala ka pa. HUHUHUHUHUHU!!!





Lumabas ako ng CR at sinigurado kung wala na sila nang may nakasulubong ako na isang magandang babae. Ningitian naman niya ako pero napansin niya ang lungkot sa mukha ko kaya nilapitan niya ako.





Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now