10: Judge

5.7K 105 1
                                    

(NICOLE'S POV)





Nang nakarating na ako sa ospital, agad akong nagtatanong doon sa nurse station kung nasaan ang room ni Nathan saka na dumiretso dun. Pero sa pagkarating ko, nandoon ang buong S.A class at kasama na si Kuya Niel.





Napakunot ang mga mukha ng girls at Kuya Niel sa suot kong civilian. Oh sorry.





Lumingon ako kay Nathan na tinatago ang mukha niya gamit ng unan. Lumapit naman ako sa kanya kaagad at inalis ang unan na nakatakip sa mukha niya. Goodness!!





"Aaahh!! WAAG!! NICOLE!!" -Nathan





Nakapikit ang mga mata niya tapos ginagamit ang mga kamay niya sa pang de-defend eh hindi ko naman siya susuntukin eh.





Pipitik lang ako sa noo.





"Ay. Aray." -Nathan


"Sino na naman ba nakaaway mo ngayon?"


"Sorry na. Napadala lang sa emosyon." -Nathan





Maraming pasa sa mukha, duguan. Napabuntong hininga nalang ako. 'First warning'. Pinagloloko na nila ba ako.





"Wag mo nang uulitin to."


"Sorry na po. Teka, bakit hindi ka nakauniform? Bakit ka rin nag absent?!" -Nathan


"Diba dapat ikaw ang pinapagalitan ngayon kaysa naman ako?"


"In other words, makulit lang talaga kayong dalawa." -Kuya Niel


"Tinatanong pa ba yan?"





Narinig naman ni Nathan yung sinabi ko at kinusot ako bigla bigla sa kamay nang masakit.





"ARAY!! NATHAN!!"


"Ayan ka naman sa pananalita mo. Umayos ka." -Nathan





Kinurot ko rin siya sa pisngi.





"/gasps/ Nicole!" -Raven


"O-Oy. S-Sobra na yata yan." -Mark


"NICOLE!! ARAY HA?!" -Nathan





Binitawan ko naman siya.





"Gantihan lang ha?" -Nathan


"Ikaw kaya ang nanguuna."


"Haayy nako, tama na yan. Nicole, ipagpahinga mo na ang kapatid mo. Kayong iba, bumalik na kayo sa school." -Kuya Niel


"Kasali ka na rin doon."





Diretso ko nang sinabi kay Kuya Niel at napabuntong hininga ako. Medyo masakit ang ulo ko kasi. Ewan ko ba.





"Ako ang magbabantay kay Nathan dito. Bumalik na kayo sa school."


"Sigurado ka?" -Luke





Napalingon ako kay Luke na may halong pag aalala sa boses niya. Napakunot ang noo ko.





"Mukha ba akong hindi marunong mag alaga ng tao rito?"


Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now