04: Escape

7.8K 136 0
                                    

(NICOLE'S POV)





Sh*t. Nakauwi na pala si Kuya Niel sa bahay. Madali lang naman ang tumakas pero baka kasi pupunta ng bigla bigla rito si Kuya Niel sa kwarto ko para i-check ako tapos wala pala ako sa bahay. Problema na to. Ugh, bakit ba kasi umuwi ng Pilipinas? Nakakaasar na siya simula nung kahapon pa.





Hinanap ko kaagad ang cellphone ko at tinawagan si Yvonne.





(Hello? Nicole?)


"Need help."


(Huh? Bakit?)


"I can't escape dahil meron dito si Kuya Niel. Bakit pa ba kasi umuwi rito sa Pilipinas?"


(Nicole naman. Wag mo naman pagsalitaan ng ganyan ang kuya mo)


"As usual, kinakampihan mo siya."


(So anong gagawin mo?)


"Guess, magiimpake nalang ako."


(ANO? Bakit ka magiimpake?! Porket nandiyan si Niel, lalayas ka na?! Para yan lang, Nicole?!)





/sighs/ Geez.





"Pwede ba patapusin mo muna ako? OA mo. Magiimpake lang, lalayas na kaagad? Diyan na ako magbibihis sa inyo. Sabihin nalang natin, may lakad tayong gabi pagkatapos sa bahay mo ako magsle-sleep over."


(Ayy? Okayyy)





Binaba ko na kaagad ang tawag at tinapos ang pagiimpake nang biglang bumukas ang pinto tapos nakita ko si Xiho na nakatayo lamang sa may pinto, pinapanood akong mag impake.





"Ate? Lalayas ka na ba? Because of Kuya Niel?" -Xiho





Parehas lang sila ng pagiisip ni Yvonne oh. Dapat ilayo ko na siya kay Yvonne.





"Hindi, baby."





Nilapitan ko naman siya at lumuhod sa harap niya saka pininch sa cheeks at ningitian. Sa kanya lang talaga ako ngumingiti dahil kapag nakikita ko siya rito pagala gala sa bahay, hindi ko talaga mapigilan ang mapangiti. Ang cute cute kaya ng baby sis ko. Siya na rin ang huling anak ni Mommy na pinanganak.





"Eh bakit po kayo nag iimpake?" -Xiho


"Because....your ate will be sleeping over at her friend's house. It's just one night baby girl at uuwi naman ako kaagad."


"But still, because of Kuya Niel diba? Ate, bakit po ba kayo galit sa kanya?" -Xiho





Masyado pa syang bata....para maintindihan ang lahat ng mga pangyayari.





"Hmm. Hindi naman ako ganun kagalit, Xiho and he's not the reason why, okay? It's just that may problema lang ang friend ng ate mo kaya sasamahan ko muna siya."


"Ganun po ba? Can you tell your friend to cheer up for me, ate?" -Xiho





Napangiti agad ako sa sinabi niya at tumango nalang saka pininch ulit ang cheeks niya. Niyakap naman niya ako pagkatapos at niyakap ko rin siya. Nang natapos na ako magimpake, sinara ko ang bag ko at kinuha ito saka na bumaba at nakisabay din sa akin si Xiho.





Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now