49: Is it OVER?

3.3K 64 1
                                    

(CASSIE'S POV)





"Naiintindihan ko po. Wag na po kayong mag-aalala. Hahanap ako ng paraan, hahanap kami ng paraan. Iiligtas po namin si Nicole para sa kapakanan ng lahat."


"Salamat, Cassie. Napakaswerte siguro ni Nicole na may mga kaibigan siyang katulad mo, napakabait. Despite of....I've never been on her side for many years. Ang mas masakit pa, hindi pa niya ako naaalala."


"Wag po kayong mag-aalala. Nakakaalala na po siya pero hindi ko lang po alam kung....lahat ba ay naaalala niya."


"Sana lang.....maaalala niya ang lahat. Sana lang talaga at matauhan siya sa mga ginagawa niya o....baka naman, kumikilos lang siya ng mag-isa tulad ko noon na nagpadalos-dalos."


"Ano pong ibig niyong sabihin?"





Nakatingin naman siya sa akin na may mala-anghel na ngiti.





"Sabihin nating nakaalala nga siya pero may iba siyang pinaplano, at hindi lang natin alam kung ano yon basta may kailangan siya sa kanya."





Napabuntong hininga ako nang maaalala ko lang yung pinagusapan namin kanina.





Mas lalo kong hindi naiintindihan ang mga pinanggagawa ni Nicole eh. Actually, same kami ng iniisip ni Tita Nathalia pero hindi ko alam kung alin ba doon ako maniniwala.





Una, sumama si Nicole sa babaeng nagpapanggap bilang Tita Nathalia dahil mommy niya yun.





O ang pangalawa, kung nakaalala man siya, baka sumama lang siya for other purpose.





Hindi kasi ako sigurado kung nakaalala na talaga siya sa lahat dahil ang sinabi lang ni Seth ay nakaalala na siya.





Si Brian, nakaalala na nga eh. Ano ba yan? Why is it on the worst situation they had to remember everything?





/RING RING !!/





Kailey calling....





Sinagot ko naman kaagad ang tawag.





"Hello? Kailey?"


(Cassie? Nasaan ka?)


"U-Uhm. Nasa b-bahay." LIES.


(Pumunta ka sa bahay nila Nathan. May nangyari sa kanila. Bilisan mo!)


"Ano?" May nangyari kanila Nathan. OH NO!! Patay!!


(Basta! Bilisan mo! Pumunta ka nalang dito please?!)


"Ok! Ok! I'll be on my way."





Binaba ko rin kaagad ang tawag saka na ako nagmamadali sumakay sa sasakyan ko at pinuntahan sila Nathan sa kanilang bahay.





Sa pagkarating ko doon, meron na ang lahat except si Luke dahil siguro nagbabantay pa siya kay Denise doon sa HQ.





Nakaupo lang si Ma'am Principal sa sofa na may tubig sa harapan niya habang nakaupo sa kabilang sofa si Nathan pero si Kuya Niel, nakatayo lang.





"Ano bang nangyari?"


"Sinalakay sila kanina ng ilang mga lalaking nakamaskara, tinangkang kunin si Xiho. Mabuti nalang na pauwi si Nathan at nahuli niyang may nangyayari rito sa loob ng bahay kaso nakatakas ang mga lalaking yon. Wala namang napahamak." -Lauren


Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now