02: The Call

14.3K 208 2
                                    

(NICOLE'S POV)





Nang tumunog na ang school bell, oras na sa aming break time. Dumiretso muna ako sa CR at hindi nag paalam sa iba. Hinugasan ko ang kamay ko at binasa ng tubig ang mukha ko saka napatingin sa salamin. Masakit parin ang ulo ko. /sighs/






/RING RING !!/





Kinapa ko ang cellphone ko sa bulsa at may tumatawag pala sa akin pero nang nabasa ko na sino ang tumatawag, napabuntong hininga ako at sinagot.





(Tomorrow night. 9PM sharp. Same place, got it?)





Pagkatapos nun, binaba ko agad ang tawag. Hindi naman niya yata kailangan ng boses ko para sumagot.





Kinuha ko na rin ang panyo ko mula sa bulsa ko at pinunasan ang mukha ko pati mga kamay ko saka na lumabas ng CR. Sakto lang, nakasalubong ko si Lena.





"Nicole!! Saan ka ba nagpunta ha? Alam mo bang kanina ka pa namin hinanap-hanap tapos nag CR ka lang pala. Magpaalam ka naman sana sa amin bago ka umalis." -Lena


"Sorry."


"Haayy nako." -Lena





Agad naman tinext ni Lena ang iba para masabihan na nahanap niya ako.





"Tara na. Doon tayo sa cafeteria. Medyo nagugutom na ako nang dahil sayo." -Lena





Napatango lang ako at sabay na kami ni Lena naglalakad sa hallway nang biglang may nakabangga akong lalaki nang paliko kami. Uniform palang niya, alam ko college student. Kung minalas lang naman, mga maangas kasi raw ang mga lalaking college students sa school namin.





But at that unexpected moment....





"Nicole?" -Kuya Niel





Hindi ako umimik nang makita ko siya pero nabigla na rin yata si Lena nang makita rin niya ang kuya niya na si Kuya Lance. Hinawakan ko nalang kamay ni Lena para makaalis kami sa harap nila pero nahawakan naman ako ni Kuya Niel sa braso.





"Wait. Nicole." - Kuya Niel


"Ano?"


"Usap naman tayo, please? Kakabalik ko lang tapo–" -Kuya Niel


"Aanuhin ko naman kung bumalik ka? Bitawan mo ako."





Sinubukan ko makabitaw sa kanya pero nakaramdam ako bigla ng paghihilo.





"Wait, Nicole...." -Lena





Muntik pa akong napatumba pero hindi ko alam kung mabuti ba o hindi nang sinalo ako nila Lena at ni Kuya Niel pero nagpabitaw ako kaagad.





"Mainit ka. May sakit ka ba? Bakit ka pa ba pumasok?! Tara. Pumunta tayo ng clinic." -Kuya Niel





Hinawakan na naman niya ulit ang kamay ko pero nagpabitaw ulit ako.





"Pwede ba!? Seriously, I don't need your assistance!! Lumayo ka nga sa akin at huwag mo na rin akong kakausapin dahil nakakasuka ang pagmumukha mo ngayon."


"Teka, teka, teka! Huminahon muna kayo ha? Tsaka Nicole naman, hindi ba pwede na maging mabait ka for at least one day? Kakabalik lang ng kuya mo tapos may sakit ka pa at sinusubukan ka lang naman niya tulungan dahil may pakialam siya sayo." -Kuya Vince


Behind Her ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon