42: That "CATASTROPHE" of life.

3.3K 64 0
                                    

(LENA'S POV)





"Tita, kamusta na po ba si Seth?" -Yvonne


"Ahh~ Nandoon na siya sa private room. Natutulog at nagpapahinga. Hindi naman masyadong seryoso ang mga sugat at pasa niya, so I'm sure he'll be fine." -Tita Lizzy


"Halata na masyado na ang Infinite ulit ang gumawa nito. Binugbog na nga nila si Seth at kinuha pa nila si Nicole!! UGH!! I knew I shouldn't have left her alone!!" -Nathan


"Nathan, hindi mo to kasalanan. Ang Infinite ang may kasalanan nito, okay? Wag mong sisisihin ang sarili mo." -Raven


"Tama si Raven, Nathan." -Denise


"Ma, wala man lang ba sinabi si Seth tungkol sa nangyari kanina?" -Luke


"Sa narinig ko, natutulog lang parin si Nicole sa kanyang kama at siya ang taga-bantay habang wala pa si Nathan nang may biglang pumasok sa kwarto at inakala niya na si Nathan yon pero sa kasamaang palad.....yung tinatawag niyong 'Infinite' raw ang may kagagawan nito." -Tita Lizzy


"Nasa comatose pa kaya si Nicole. Aanuhin naman nila si Nicole? Idadala sa malayo? Walang hiya sila oh!" -Cassie


"Hindi ako papayag." -Nathan


"Wala rin silang karapatan para basta nalang dukutin si Nicole at idadala sa malayo." -Mark





Napalingon ako kay Yvonne at sa mga lalaking nasa likod niya na papunta rito kaya napalingon din si Yvonne tapos tumakbo para lapitan si Kuya Niel at ang iba pa niyang kasamahan.





Nakatingin pa sa akin si Kuya Lance at ako ay napapaiwas kaagad. Nakakatakot eh!! ( >_< )





/sighs/ Sandali lang!! Lingon ako ng lingon sa paligid pero pinagmamasdan ko muna si Yvonne na kinakausap sila Kuya Niel ng masinsinan at halata na rin sa mukha ni Kuya Niel yung sobrang gulat. Napakunot ako sa noo at napansin tuloy ako ni Yvonne na nakatingin sa kanya.





Napakagat ako sa labi.





Bakit walang nurse na nagkagulo? Kahit pulis na sinumbong sa kanila na kinidnap ang isang pasyente at nabugbog yung nagbabantay sa kwarto? BAKIT WALA?





Nilapitan naman ako ni Yvonne.





"Okay ka lang?" -Yvonne





Natawa ako bigla sa di makapani-paniwalang naiisip ko.





"Imposible lang yata ang iniisip ko. Tita, nasaan ba ang kwarto ni Seth? Kailangan ko siyang makausap at ngayon din."


"Lena, wag muna. Nagpapahinga pa siya. Mamaya na  siguro kapag gising na siya at maayos na ang pakiramdam niya." -Tita Lizzy


"May kinalaman si Seth at mas di makapani-paniwala rin na pinagtatakpan niyo PO siya."





Natahimik din si Tita at napa-step forward si Luke sakin na napakunot ang noo.





"Ano bang pinagsasabi mo?" -Luke


"Juscommon sense, Luke! Who wouldn't be not surprised that suddenly Infinite just rushed into Nicole's room and then, binugbog si Seth? Bakit walang nurse na nagkagulo? Bakit walang pulis na dumating dahil may nagsumbong na may nawawalang pasyente at binugbog ang nagbabantay? Tignan niyo nga ang paligid niyo. Lahat ng nurse kahit hindi ko na kailangan tanungin na pakiramdam ko ang sasabihin lang nila na discharged pala yung pasyente from Room 319."





Behind Her ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon