19: Secrets are about to unfold.

6K 101 1
                                    

(NICOLE'S POV)





Pagkatapos ko magpacheck up sa ospital ay umuwi na kami kaagad ni Nathan saka nalang din namin nalaman sa bahay na matatagalan si Dad makauwi which is really, really nice. Si Xiho lang mag-isa kumakain kaya nakisabay na kami ni Nathan pero ang kaso.....





"Ang bilis mo yatang matapos."


"Peace! May lakad kasi kami ng barkada ngayong gabi eh." -Nathan





Tinignan ko ng masama si Nathan at bigla rin siyang nagpapanic.





"O-Oy! Mali ang iniisip mo!" -Nathan


"Wrong move and I'll tell Raven. Don't come home late after 12."


"Yey! The best ka kambal!" -Nathan





Tumayo siya kaagad at nagmamadaling tumakbo papunta sa kwarto niya para makapagbihis habang pumunta muna kami sandali ni Xiho sa living room para manood ng TV. Pagbaba ni Nathan, hinalikan niya si Xiho sa pisngi at ginulo pa niya ang buhok ko bago umalis.





Napabuntong hininga nalang ako.





Naghintay pa muna ako ng ilang minuto at nakauwi na rin si Kuya Niel. Tumayo agad ako.





"Nasaan si Nathan?" -Kuya Niel


"Umalis. May lakad. Barkada. Kuya, ikaw muna ang magbabantay dito kay Xiho. Pupuntahan ko lang ulit si Yvonne."


"Na naman? Teka, grounded ka pa." -Kuya Niel


"Not anymore. Wag mo na akong ihatid."





Nilagpasan ko lang siya at umakyat na sa kwarto. Naghanap naman ako ng maisusuot at nilagay ko rin sa bag ko ang mga kailangan ko. Saka nagmamadaling bumaba at pinagmamasdan yung dalawa nasa living room.





"Naomi, bakit ka nuod ng nuod ng Barbie eh hindi ka man lang nagpapabili ng Barbie dolls ah?" -Kuya Niel


"Ayoko ng doll eh. Gusto ko stuff toy. Mga hello kitty at teddy bears!!" -Xiho





Hindi na ako nagpaalam sa kanila pa at dumiretso lang lumabas. Sumakay na ako sa kotse since meron pa sakin ang extrang susi at pumunta kaagad sa bahay ni Yvonne na kanina pa yata nag hihintay. Nagpark na ako at bumaba sa sasakyan.





"Ang tagal mo naman." -Yvonne





Binigay na rin niya sa akin ang helmet pero bago kong sinuot, kinuha ko muna ang contact lenses sa bag ko at sinuot ito sa mga mata ko.





"Excited ka naman."





Pagkatapos kong sinabi yon, sinuot ko yung communication device namin bago sinuot na ang helmet. Sumakay na si Yvonne sa sasakyan niya habang ako ay sasakay sa motor. Nauna na akong lumabas at sumunod naman siya.





Natext na rin sa akin ni Travis ang lokasyon at pinasa ko lang sa girls. Wala kaming balak magpapakita sa mga lalaking yon, but we'll just attack Infinite secretly behind their backs.





Nang nakarating na kami, tinanggal ko kaagad ang helmet ko at sinuot ang maskara. Nagkita-kita na kaming lahat.





"Nasaan sila?"


Behind Her ColdnessDär berättelser lever. Upptäck nu