08: Someone is BACK.

6.1K 115 1
                                    

(NICOLE'S POV)





"Girls, nasaan si Lena?" -Mark





Eto na nga ba yung sinasabi ko. Agad naman ako lumingon sa ibang direksyon nang tinanong na sa wakas ni Mark yung hinihintay kong tanong at bahala na ang iba diyan gumawa ng palusot. HA-HA-HA-HA!





"Ahh~ Mark. Pasensya na. Hindi kasi papasok ngayon si Lena." -Lauren


"Bakit naman?" -Mark





Nagkatiningan ang girls sa isa't isa. Hindi naman pwede sabihing may sakit siya dahil alam kong pipilitin niya ang sarili niya na aalagaan si Lena. /sighs/ Pero mukhang wala yata maiisip na palusot ang girls.





"Ano?" -Mark


"Ano bang nangyari?" -Luke


"A-Ano kasi...." -Cassie





Ako na nga lang!!





"Wala si Lena ngayon sa Pilipinas. May nangyaring emergency kagabi at kinakailangan ni Lena na pumunta sa US."





Nanlaki bigla ang mga mata ng girls sa akin. What? Masyado bang malalim ang palusot ko?





"Bakit naman siya aalis kaagad ng wala man lang sinasabi sa akin?" -Mark


"Nako, Mark. HAHAHAHA! Annoying ka kasi sa paningin ni Lena eh." -Luke


"Shut up, Luke!" -Denise


"Ano bang klaseng emergency?" -Patrick


"Hindi naman sinabi pero mukhang seryoso."





Napaupo nalang si Mark na malungkot ang naging expression sa mukha kaya nilapitan siya nila Anthony at Francis tapos niyakap yakap pa, tutal sa barkada nila, si Mark ang pinakamatanda at sina Anthony at Francis naman ang pinakabata, minsan, nagkukuya pa yan eh.





"Teka, nasaan naman si Yvonne?" -Seth


"At tsaka, Nicole!! Kailan ka pa ba uuwi sa bahay ha? Aalis ba naman nang bigla bigla sa bahay na wala man lang sinasabi." -Nathan


"Mamaya na. Sabay kaming ni Yvonne pumasok pero lumabas siya kanina sa classroom."





Tss! Sakto ring dumating na si Yvonne kasama pa ang teacher namin. Nagsiupuan naman ang iba at bigla ring pumasok ang kambal. /facepalm/ Nakailang beses na silang late ah?





"Oh? Late na naman kayo?" -Ma'am Rhianne


"Hindi po kaya!" -silang dalawa


"Edi, umupo na kayo." -Ma'am Rhianne





Umupo na rin sila at napacross ako ng arms saka napatingin kay Yvonne na kanina pang nakayuko. Hmm....mukhang may malaki yatang balita si Ma'am Rhianne sa amin ngayong umaga ah?


























(YVONNE'S POV)





Sheez!! Ano pa bang magagawa ko? Eh gusto naman niya!!! Dapat hindi nalang siya pumunta rito pero ano ang ipapalusot ko? At paano na rin si Nicole?





Napalingon ako saglit kay Nicole at nakacross arms lang siya, tumitingin sa labas ng bintana. Napansin naman nila Nathan ang pag aalala ko. Alam na yata nila. Aahh!!





Behind Her ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon