53: The START.

3.6K 68 0
                                    

(SPADE'S POV)





Sinamahan ko na sila Nicole at Mama papunta sa dating resthouse ng mga Chua na ngayo'y nasunog na dahil sa malaking trahedya nangyari noon.





Napilitan lang naman pumayag si Mama dahil sa kagustuhan ito ni Nicole for the last time raw bago kami aalis para sa U.S.





Para saan? Magbabagong buhay? Opinyon ko, para na kaming nagtatago niyan. And there's no way, I'm gonna let Nicole be taken away with us. She doesn't belong here and she must be taken back to her so-called ' real family '.





Guess, that's just the responsibility of being an older brother to her. Well, must take care of your siblings no matter what till the end right?





Sa kagustuhang ito, alam ko naman may pinaplano na si Nicole eh kaya dinala na kaming lahat para sa huli.





Dito, magkakaalaman na rin.





Dito, magtatapos na rin.





Kung dito rin, nasira ang lahat....





Dito na rin, maaayos ang lahat....





Nang bumaba na kami sa van, hindi ko napigilan ang mapatingin kay Nicole sa ano mang ekspresyon niya nang nakikita niya ang nasunog na bahay.





Pero panigurado, nasasaktan at nalulungkot siya sa mga nakikita niya. Kaso, hindi ko medyo mababasa ng maayos kung ano mang nasa isip ngayon ni Nicole dahil wala namang emosyon ang naipakita sa kanyang mukha.





Pero parang nakakita lang ito ng multo eh.





Lumingon naman siya sa amin.





"Mommy. Papasok ako sa loob." -Nicole


"Anak. Delikado sa loob, dito ka lang sa labas baka ma-ano ka pa." -Mama


"Titingin lang naman po ako sa loob. Hindi ako mapapamahak kung walang ibang tao rito bukod sa atin." -Nicole





Saka siyang tumingin sa akin at napangisi lang ako. Napatingin naman ako kay Mama na parang kinakabahan but she still kept her straight face.





"Sige. Sasamahan nalang din kita sa loob para makasigurado tayo. Infinite and Sugar Girls, alam niyo na ano ang gagawin diba? On your positions on those perimeters I assigned." -Mama


"Opo." -silang lahat


"Spade at Evan, dito lang kayo sa labas at magbabantay. Malinawag?" -Mama


"Opo." -kaming dalawa





Nag-alisan na yung iba at napaiwan naman kaming dalawa ni Evan. I looked at Nicole with a serious expression at tumango lang siya sa akin. Napatingin na rin ako sa baril na nasa side lang niya nakatago at hindi masyado klaro. Ako kasi ang nagbigay nun sa kanya para sa kaligtasan niya at baka kakailangan para sa mga pinaplano niya dahil baka ma-ano pa siya.





Pumasok na silang dalawa ni Mama sa loob ng bahay. Lumingon naman ako kay Evan pero nakalanta ang mga mata ko kay Riya na parang namumutla. Nilapitan ko muna siya.





"Riya. Okay ka lang ba?"





Tumingin siya sa akin at nagpupumilit pang ngumiti.





Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now