46: The WITNESS

3.4K 65 0
                                    

(BRIAN'S POV)



Pumunta na ako sa lugar kung saan kami magkikita ni Seth at sa pagkarating ko doon, meron parin yung sunog na bahay. Ilang taon na ba ang nakalipas..... /sighs/



Pumasok naman ako sa bahay na yun. Mga sunog na gamit, mga sunog na dingding, sunog na sofa, upuan, lamesa na halos wala nang natitira pa.



Kinuha ko muna cellphone ko at binuksan ang flashlight nito dahil masyadong madilim dito.



Naglibot-libot pa ako sa loob nang may natapakan akong.....



Lumuhod ako at kinuha ang isang picture frame na nasa sahig saka tinutok ko ang flashlight nito. Hindi na ako nagulat pa.



Isang family picture ng pamilyang Chua.



Noong buo pa sila.....



Wala pa si Xiho nito at iba yung nasa bahay nila ngayon so eto pala ay yung luma. Pero at least, sunog siya sa sides lang.



Tinutok ko ulit ang flashlight sa paligid-ligid dahil baka may mga iba pang picture frame pero wala na. Napansin kong may hagdanan so hindi na ako nag-abala pang magisip na aakyat ba ako doon o hindi.



Pumasok ako sa isang kwarto na mukhang kwarto ng pangbabae. Medyo magulo na lahat ang mga gamiteka lang, sandali!



Napapikit ako.



Sa pagkakaalala ko, kwarto to ni Nicole. Napamulat naman ako at napatawa ng marahan saka akong lumapit sa desk table niya.....



May isa ulit na picture frame.



At napapangiti ako.



Dahil picture namin to dalawa.



"Hindi nga ako nagkakamali. Nakakaalala ka pala, Brian."



Napalingon ako sa nagsalita.



Tinutok ko ang flashlight sa may pinto dahil may nakatayo pero si Seth lang pala.


Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now