07: Reasons.

6.1K 100 0
                                    

(NICOLE'S POV)





Dinala naman nila ako sa isang marangyang kwarto at tinulak pa nila ako sa upuan saka tinali rin sa upuan. Tinakpan pa nila ang aking bibig gamit ng panyo. Pinanood ko lang sila hanggang sa nahuli kong kinakapa ni Spade ang cellphone niya sa bulsa at may tinawagan.





"Hawak na namin siya." -Spade





Napakunot ang noo ko. Sino kaya ang tinatawagan niya? At ano naman din ang kailangan nila sa akin na palagi ko silang hinahabol?





"Nasaan nga pala si Dave?" -Justin


"Gumagala na naman yon." -James


"Papuntahin niyo." -Alec


"Opo, singkit ang mata." -Troy





Napataas ng kilay si Alec at sinamaan ng tingin si Troy. Totoo naman din eh, singkit si Alec. Tss.





"Anong sinabi mo, Troy?" -Alec


"Sabi ko, gwapo ka." -Troy


"Tss! Tinatanong pa ba yan?" -Alec





Lumingon siya bigla sa akin at kinindatan niya ako. I rolled my eyes in disgust. Ugh. Kadiri.





"B-BWAHAHAHAHA! Ayaw niya sayo!" -Justin


"Whatever!" -Alec





Biglang bumukas ang pinto at dumating si Dave, na duguan.





"Oh? Anong nangyari sayo?!" -Evan


"Binaril ka?" -James


"Hindi pa ba obvious?" -Dave


"Nino?" -Spade


"Yung lintek Crystal na yon." -Dave





Si Lena?





"Natalo ka? Ano ba naman yan, Dave. Nacacareless ka naman." -Alec


"Tsk! Patas lang kaya kami dalawa. Binaril man niya ako, sinaksak ko naman siya pero mukhang mas natalo pa siya kaysa sa akin." -Dave





My hand turned into a fist when he said that. Sh*t! Si Lena....kasalanan ko toh.





Napalingon naman si Justin sa akin at nilapitan niya ako. Tinaas niya yung chin ko.





"Tsk, tsk, tsk! Siguradong patay na yon sa tama mo Dave at ikaw, nakakulong ka naman sa amin. Eto na ba ang simula ng downfall sa Dark Angels?" -Justin





IN HIS FACE!! Tinitigan ko lang si Justin ng walang emosyon pero napapansin ko naman ang pangiiba ng tingin ni Evan na hindi ko naiintindihan. Galit ba siya? O natutuwa?





Ginamit ko ulo ko para matamaan ko si Justin sa mukha. Pinapainit lang niya ulo ko eh. Kaasar!





"ARGH!!" -Justin


"Tama na yan, Justin." -Spade


"Walang hiya kang babae ka!" -Justin


"Wag mo siyang sasaktan. Baka nakalimutan mo na ang utos sa atin ay dadalhin natin siya ng malinis at ligtas? Wag ka na magmamatigas ng ulo, Justin." -Spade





Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now