30: Almost....

3.8K 73 0
                                    

(NATHAN'S POV)





Inaantay namin sila Tita kasama ni Nicole sa loob ng CT scan room. Nabigla nalang ako na kasama nila Mark at Lena si Xiho.





"Mark! Hindi mo siya iniwan sa bahay?"


"Gustong sumama eh." -Mark


"Halika nga rito, Xiho."





Tumakbo naman papalapit sa akin si Xiho at kinarga ko siya.





"Kuya, magiging okay ba si Ate Xyla? Kasalanan ko po yata eh." -Xiho


"Xiho, wag kang magisip ng ganyan. Wala kang kasalanan. Ayy nako, wag ka ngang umiyak. Gagaling si Ate para sayo, okay? Kaya wag ka na umiyak, o magagalit siya sayo. Sige ka."





Napangiti ako nang pinunas agad ni Xiho ang kanyang mga luha saka na dumating sila Kuya Niel na kasama pa sila Mamu at Lolo.





"Nasaan si Dad?"


"Xiho, halika." -Mamu





Binigay ko si Xiho kay Mamu at siya na muna ang kumakarga sa kanya.





"Kamusta na siya? Si Nicole? Ano bang nangyari kanina ha?" -Kuya Niel


"Nasaan si Dad?"





Inigiit kong tanong yon at umiiwas din makatingin sa akin si Kuya Niel saka na napabuntong hininga si Lolo.





"Iho, nasa meeting kasi ang Dad niyo kaya hindi siya makakaalis kaagad." -Lolo





/sighs/





"Mas importante pa ba ang meeting na yan kaysa sa buhay ng anak niya? Tama nga talaga si Nicole. Mas pinapahalagahan niyo nga talaga ang walang kwentang kumpanyang yan."


"Nathan!! Don't you dare try to sound like Nicole. Nakakabastos ka na!!" -Mamu


"So what? I agree with her naman eh kaya wala na kayong magagawa. I always take her side when you never was."





Bigla ring bumukas ang pinto.





"Mama! Nandito po pala kayo." -Tita


"Kamusta na si Nicole?" -Lolo


"U-Uhmm, o-okay naman siya. Wala na kayong ipagaalala. Amnesia attack lang yon." -Tita


"Mabuti naman." -Mamu


"Mabuti? Eh ikakamatay na nga ni Nicole kanina eh!! DON'T TELL ME MABUTI!!"





Ayun. Nag walk out na ako. Nakakabadtrip lang eh!!























(LENA'S POV)





After nag walk out ni Nathan kanina, sinundan siya kaagad ni Raven habang dinala na ng mga nurse si Nicole sa private room.





Pero hindi na muna kami pumasok.





"Papasok pa ba tayo? Parang nakakahiya kasi nandiyan ang grandparents nila Nathan at Nicole." -Anthony


"So uuwi nalang tayo?" -Francis


Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now