41: The MISSING key...

3.7K 73 0
                                    

(NATHAN'S POV)



Umuwi muna ako sa bahay para makapagbihis ng damit at makapagligo ng maayos. Pero pagkatapos na rito, babalik ulit ako sa ospital. Doon na kasi ako natutulog sa kakabantay kay Nicole at hindi na rin ako pumapasok sa school para sa temporary class na yan.



I just can't leave her behind so.



At narinig ko na mula kanila Raven hindi na pumapasok ang Infinite sa school so Nicole is still in danger and anything can happen anytime.



Walang hiyang Justin na yon para barilin niya ang kapatid ko. Kapag makita ko siya ulit, sisiguraduhin kong ang araw na yon ay ang araw ng kamatayan niya.



Mag tatatlong linggo na hindi gumigising si Nicole at next week pa naman ang sembreak. /sighs/ Ayoko talaga magspe-spend ng bakasyon kung gaganito lang ang sitwasyon namin.



Lumabas na ako sa kwarto ko nang nakita ko si Kuya Niel papasok sa kwarto niya at humiga kaagad sa kama. Mukhang pagod, ano kaya ginawa nila sa school?



Hindi ko na siya nilapitan at inistorbo. Kailangan din niya ng pahinga. Bumaba na ako nang nadaanan ko ang living room, nanonood pala si Xiho ng movie.



Eh? Nanonood pala ng Maleficent?



Ano nga ba ang storyang yon?



"Xiho? Bakit nanonood ka pa diyan? Gabing gabi na. Dapat natutulog ka na. Ayaw mo naman siguro magkaroon ng malaking eyebags diba?"


"Hi, Kuya Nathan! Hindi kasi po ako makatulog eh. Namimiss ko na si Ate Xyla. Kailan pa po ba siyang magigising, kuya?" -Xiho



Napabuntong hininga naman ako tumabi sa kanya at niyayakap siya.



"Wag kang mag-aalala. Malapit na. Kailangan lang niya kasi ng mahabang tulog para mawala agad ang eyebags niya."



PfftHAHAHAHAHAHA!! Tama nga. Kailangan niya talagang matulog kasi medyo malaki na ang eyebags nun eh. HAHAHAHAHAHA!!



(A/N: Halaka~ Nathan!! I-susumbong kita kay Nicole!! Ayy~ hindi, baka naririnig ka na nun.)



Paano naman, Author?


Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now