17: Found you.

4.9K 95 1
                                    

(NICOLE'S POV)





"Mukhang hindi na naman yata maganda ang mood mo ngayon." -Spade





And again, si Spade. Sinusundan na naman ako. /sighs/ Parang aso nakabuntot sa may-ari. Bahala na. Mabuti siyang kausap kapag nagkakaganito ulit ako ng pakiramdam. Pinapakalma niya ako.





Ano ba yan? Nakikipagsunduan na ako sa kanya, mismo pang sa kalaban. Hindi ko na alam.





"Lagi nalang eh."


"Lalo nang lumalaki at lumalalim ang galit mo sa puso mo. Ano kaya ang makapagpakalma sayo?" -Spade





Lumingon ako sa kanya.





"Parang nagmamadali ka yata?"





Napangiti rin si Spade.





"She wants me to take you now. Naaawa na siyang nakikita kang ganyan." -Spade





She?





"Buhay....ba talaga ?"


"Ever since nung nagising ka, Nicole. Sinabi lang nila wala na siya diba? Naipakita ba nila sayo ang katawan niya?" -Spade





Hindi ako makasagot sa ilang segundo.





"They said....na cremate na raw nila ang katawan niya at tinapon ang kanyang abo sa dagat."


"Ibang tao ang nacremate nila, hindi ang Mommy mo. Nagsisinungaling sila sayo." -Spade


"I won't believe until you take me to her."


"Pwede ka nang sumama sa akin, ngayon na, Nicole. She can't wait for you forever. At alam mo bang namimiss ka na rin niya." -Spade





Natahimik ako sandali.





"Spade, hindi ko alam kung magpapasalamat ako o hindi dahil pumapasok kayo at gumugulo sa buhay namin. We'll just see about that after I conquered my plan for tomorrow."


"Our plan. Nakapag desisyon ka na pala. Bilisan na natin bago pang mahuli ang lahat." -Spade





Tumango lang ako at nakapag desisyon na ring umuwi na. Pagod na ako sa pinanggagawa ko kanina pero bago nun, tinawagan ako ni Travis at pinapapunta sa HQ.





Pagkarating ko rin sa HQ, dumiretso lang ako sa office niya pero nang nakita ko ang mukha niya, disappointed....siya? Uhm....okay?





Bigla naman niya tinapon sa lamesa niya ang folder na naglalaman ng mga ilang litrato.





Litrato namin....ni Spade.





"Ano to?" -Travis





Kailangan kong magsinungaling.





"Alam kong may kailangan sila sa akin so nakipagsundo ako sa kanila. Ako na mismo ang tatapos sa misyon na to kaya hayaan mo nalang ako."


"You had them....in your hands, Nicole. That night! That very night na pinapapunta ko kayo para patayin sila. Hindi mo sila napatay, Nicole. Bakit? Bakit hindi mo magawa yun?" -Travis





Behind Her ColdnessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon