51: Megan.

3.1K 60 0
                                    

(NICOLE'S POV)





"Oh? Bakit hindi mo na ginagalaw ang pagkain mo, Nicole?" -Mommy





Biglang nagsalita si Mommy at napatingin sa akin ang lahat, ang Sugar Girls at Infinite.





"Hindi ako nagugutom."


"Hindi pwede yan. Kailangan mong kumain. Tignan mo nga yang sarili mo sa salamin. You're looking pale and namamayat ka na lalo." -Mommy





Ngumiti naman ako ng plastic.





"Pagod pa po kasi ako tsaka wala rin po akong gana kumain. Babalik nalang muna siguro ako sa kwarto ko."





Tumayo na ako at dahan-dahan lang naglakad pabalik sa kwarto ko. Medyo nanghihina pa rin ako at parating sumasakit yung sugat ko everytime gagalaw ako.





"Nicole."





Napalingon ako sa tumawag sa akin.





Sila Hannah.....





"Sa nakikita ko ngayon, mukhang hindi ka pa dapat pwede maglalakad kahit saan. Mahina ka pa." -Hannah


"/frowns/ Kailan pa ba kayo naging malasakit sa akin? This is actually quite unexpected from you."


"Porket anak ka lang ng boss namin eh dapat tatratuhin ka na rin namin ng maayos at maging mabait sayo." -Selyn


"Duh. Hindi ko naman kailangan ang pang-alalaga niyo sa akin kung hindi rin kayo magbabaitan sa akin."


"Like duh, we would." -Chloe





Paalis na sana ako nang may naaalala ako.





"Ahh~ pansin ko lang. I don't remember even once na hinahabol namin kayo o inaatake, pero bakit parang malaki na galit niyo sa amin? Or is it just na magkalaban lang tayo?"


"Hindi naman sa gal" -Selyn





Napapigil si Selyn sa sasabihin niya at tinitigan ko lang siya. Oh. How I discovered something.





"Magkalaban nga tayo." -Selyn


"Okay."





Tumalikod na ako ulit at naglakad pero biglang sumakit ulit yung sugat kaya napatigil ako at hinawakan ito. Napapikit na rin ako sa sobrang sakit.





Pero nabigla rin ako nang may humawak sa pareho kong mga braso at sa paglingon ko naman, si Riya lang pala tinutulungan ko.





"Sasamahan ka na namin sa kwarto mo. Hindi mo pa kaya." -Riya





Hindi na ako nagsalita. May kabaitan side rin pala ang Sugar Girls. Besides I don't feel any anger from them. They just don't care anyway basta magkakalaban lang kami.





Naglakad na kami at nakasunod lang sa amin sila Hannah, Chloe at Selyn sa likod. Pero bigla ko lang narinig si Riya na bumubulong sa aking tenga ng.....





'Pauto ka masyado.' -Riya





Napangisi naman ako.





Sa pagkarating namin sa kwarto ko, binalik sa akin ni Riya ang dextrose at inayos to habang nakaupo ang ibang girls na pinapanood lang kami.





Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now