43: Closer.

3.2K 63 0
                                    

(SETH'S POV)





Bumangon ako sa kama nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Tita Lizzy para i-check up na naman ako.





"Kamusta na ba ang pakiramdam mo?" -Tita Lizzy


"Nasaan po ba sila?"





Natahimik muna sandali si Tita Lizzy habang nagfi-fill up sa sinusulatan niya.





"Sa sementeryo." -Tita Lizzy





Napakunot ako ng noo.





"Sementeryo?"


"Kung saan nakalibing ang tunay na bangkay ni Ate Nathalia. Pinuntahan nila Niel kasama na mga kaibigan mo for a proof na patay na talaga si Ate Nathalia at imposible ang mga sinasabi ni Yvonne." -Tita Lizzy


"Ano? Bakit? Ano bang nasabi ni Yvonne kanina?"


"Nalaman na raw nila kung bakit hindi tinitigilan ng Infinite si Nicole ay dahil ang boss nila ay si Ate Nathalia raw at buhay siya." -Tita Lizzy


"So patay talaga siya? Pumunta naman kaya sila sa sementeryo?"


"Hindi rin posible na patay pa siya, Seth. Ngayon, pinahukay ni Niel ang bangkay. Kukunan nila ng DNA sample dahil ngayon lang nila napagtanto na baka hindi nga yon ang bangkay ni Ate Nathalia na nilibing nila dun sa sementeryo. May pag-asa pang buhay siya since marami sa kanila nung gabing yon ay namatay sa pagkasunog." -Tita Lizzy


"Nasunog pala yung resthouse?"


"Sinakripisyo ni Ate Nathalia ang sarili niya para ma-iligtas lamang ang kanyang mga anak." -Tita





Natahimik muna ako sandali at napapakagat sa labi dahil medyo naguguluhan parin ang utak ko sa mga nalalaman ko.





"Pero....ikaw Tita? Naniniwala ka rin ba sa mga sinasabi ni Yvonne....at ni Nicole? Ngayon, nagkaka-alaman na, na si Tita Nathalia ang dahilan kung bakit sumama si Nicole sa Infinite."





Napatigil sa pagsusulat si Tita Lizzy at tinignan ako sa mga mata.





"Alam mo ba kung ano yung hindi ko maintindihan? Kung si Ate Nathalia nga yung nang-uutos sa Infinite para kay Nicole, bakit siya tumatayo laban kay Kuya Xyrus? Dapat man lang, pinagtatanggol niya si Kuya Xyrus at tulungan ayusin ang mga pagkakamali niya na nagawa noon dahil asawa niya yun at mahal niya." -Tita Lizzy


"Kung ganon.....hindi ka naniniwala?"


"I've always thought about that....na sana hindi namatay si Ate Nathalia. Hoping na buhay pa siya at nagtatago lang but...standing up against Kuya Xyrus? Imposible na mangyari yon. What is she up to....to stand against him?" -Tita Lizzy


"Then, what's up with Nicole na siya lang talaga mismo ang kailangan niyang kunin at hindi rin sila Nathan, Niel o si Xiho man lang?"


"Walang ka-alam alam si Nathan at Niel especially Xiho. You know, Nicole gave up a lot of things. She didn't actually wanted to go with this person na nang-uutos sa Infinite but she had to protect her.... si Xiho." -Tita Lizzy


Behind Her ColdnessWhere stories live. Discover now