Chapter 28:Box Of Life

2.1K 80 1
                                    

MAX

Kinabukasan, sabay kaming naglalakad ni Snow papunta sa training room para sa unang practice namin. Aaminin ko sobrang kinakabahan ako!

Hindi ko alam sa mga teacher kung bakit ako ang pinili nila, marami naman sa room na mas malalakas ang kapangyarihan kesa sakin.

Tumikhim ako para maagaw ang atensyon ni Snow. Kanina pa sya nakatingin sa sapatos nya.

"Snow, may tanong ako." Huminga ako ng malalim dahil kinakabahan ako.

"Ano yun?" Tanong nya habang nakatingin parin sa sapatos nya.

Napanguso naman ako dahil don,as importante ba ang sapatos nya kesa sakin?

Tumikhim ako. "Hmm, Snow, paano kung yung malapit mong kaibigan ay may tinatago sayo? Anong gagawin mo?"

Mabilis pa sa isang segundo syang lumingon sakin, biglang kumunot ang noo nya.

"Tatanungin ko sya kung bakit nya nagawa yun."

"A-anong mararamdaman mo?" I asked again.

She shrugged. "Masasaktan syempre." Bigla syang tumigil sa paglalakad. "Bakit mo natanong?"

"W-wala, curious lang ako." Bulong ko at hinigit na lang sya papunta sa training room.

Nang makapasok kami, nadatnan na namin silang lahat doon. Nang mapatingin ako kay Lex, hindi ko na maalis ang tingin ko sa kanya.

"Good morning, mga beshie!" Sigaw ni Lex. Halos sabay kaming tumango ni Snow sa kanya bilang pagbati.

Tumingin ako kay Grey na nakatitig kay Snow, si Snow naman ay nakatitig lang sa pader. Pasimple akong tumingin kay Nhiro na nakayuko lang sa isang gilid, at si Lex na pasimpleng tumitingin kay Snow. At ako na busy sa panonood sa kanila.

Biglang bumukas ang pinto sa gilid ko at pumasok si ma'am Liza na may malaking ngiti sa labi.

"Goodmorning sa inyong lima!" Bati sa amin ni ma'am.

"Good morning po!" Bati ko.

"Alam kong alam nyo na kaya kayo nandito para mag ensayo, right?" Ma'am Liza said.

"Opo!" Sigaw ni Lex.

"Marami kayong dapat na matutunan pero ang uunahin natin ay ang pinaka importante, iyon ay ang dapat nyong gawin kapag nandoon na kayo." She said.

"Sa laban na sasalihan nyo dapat wala kang awa na mararamdaman sa mga kalaban nyo. Ang dapat nyo lang intindihin ay ang sarili at kakampi nyo, kayo lang makakatulong sa isa't isa. Hindi nyo pwedeng hayaan ang mga kalaban na patayin kayo, unahan nyo sila."

Pangarap kong makapag aral sa Black Magic Academy but now ayoko na kung ang kapalit nito ay ang buhay ko!

"And now kailangan kong sukatin ang lambot ng puso nyo. Im sorry pero kailangan nyong pumasok sa box of life." Ani Ma'am Liza at marahang binuksan ang pinto sa may gilid.

Sabay sabay kaming pumasok sa loob nun, isa lamang itong malawak na silid, walang kahit na anong gamit sa loob.

Napahawak ako sa ulo ko nang makaramdam ako ng pagkahilo, naipikit ko ang mata ko at tuluyang nawalan ng malay.

---

SNOW

Pagkapasok ko sa room na iyon, hindi ko alam pero parang nakakahilo sa loob nito. Napangiwi ako nang makaramdam ako ng matinding hilo.

Nakita kong tumumba si Max sa sahig, lalapit na sana ako sa kanya kaso napaluhod nalang ako sa aobrang hilo.

"M-max..." Bulong ko.

White Magic AcademyМесто, где живут истории. Откройте их для себя