Chapter 17:Partner

2.5K 108 0
                                    

SNOW

Kanina pa nagsimula ang klase pero kahit isa sa tinuro ng teacher wala akong naintindihan.

Ang daming gumugulo sa isipan ko, kasama na dun si Grey at ang lalaking nagpadala sa akin ng death threat. Hindi ako sigurado kung si Lex ba talaga yun o hindi. Basta magkapareho sila ng suot na jacket.

Kanina tinanong ako ni Lex kung may problema daw ba ako sa jacket nya, agad lang akong umiling at nauna ng maglakad pabalik sa room.

"Snow, partner kayo ni Sapphire! Humanda ka!" Ani Lex at nginisian ako. Saglit akong napatulala sa kanya. "Hoy, huwag mo naman akong pagnasaan! Lalaki rin ang gusto ko!"

"Anong sinasabi mo dyan?" Pagtataray ko dito.

"Joke lang, pero di kita type." Aniya at humalakhak. "Basta partner kayo ni Sapphire!"

"Saan?" Tanong ko.

"Sabi na nga ba e, nakatulala ka lang kanina pa!" Sabat ni Max. I sighed, tama naman sya e.

"Saan ba kasi kami magkapartner?"

"Pinagpartner tayo ni sir Sheen into two member, at partner kayong dalawa ni Sapphjre." Lex said.

I raised one eyebrow at them. "Saan nga kami magkapartner?"

"May laban daw na magaganap kaso may thrill, pinagpartner ni Sir Sheen yung mga opposite ang kapangyarihan. Like tingnan mo si Max at Kaizer, healing ang power ni Max habang nakakapatay yung kay Kaizer. My god!"

Max pouted. "Nakakabwisit lang.

Napansin ko sa mukha ng iba na naiirita sila sa kung sino ang naging partner nila. Kung ako ang tatanungin, ayoko rin sa naging partner ko. Sa dami ng estudyante dito bakit si Sapphire pa?

"Okay, class, since ayos na ang duo team niyo, pwede na kayong magsimula magpractice ngayon hanggang bukas. Then, sa isang araw magsisimula na ang laban." Aniya at nagpaalam. Lumabas na si sir ng room.

Biglang pumasok si Grey, seryoso lang ang mukha nito. Ilang minuto lang bigla ring pumasok si ma'am Liza.

Agad naupo si Grey sa upuan nya na katabi ko lang. Agad kong kinuha ang damit nya na nasa ilalim ng desk ko. Tumikhim ako para maagaw an atensyon niya.

Hindi nya yata ako narinig dahil nanatili syang nakatulala sa kawalan.

"Grey, eto na pala yung damit mo. Salamat." Bulong ko at pinatong sa desk nya ang damit.

Bumaba ang tingin nya sa desk nya, bago tumango. Tinitigan ko ang mukha niya, mukhang maayos na ang pakiramdam niya dahil bumalik na sa pagiging seryoso ang mukha niya.

"May mahalaga akong sasabihin sa inyo." Ani ma'am Liza. Tumayo sya sa pinakagitna ng room. Maging ako ay nakikinig sa balak nyang sabihin.

She sighed.

"In-anunsyo ni Iñigo Watson na magkakaroon raw ulit ng... Fight of the Century." Aniya, bahagya pang humina ang boses nya nang sabihin niya ang fight of the century.

Napuno ng sigawan, at pagtutol ang buong room. Kanya kanya nanaman silang usapan patungkol sa fight na yun. Ako? Hindi ko naman talaga alam yun.

Nakinig ako kay ma'am Liza nung nagexplain sya pero hindi ko masyadong naintindihan. Agad rin namang lumabas si ma'am matapos nyangsabihin yon.

"Bullshit." Rinig kong bulong ni Grey. Napatingin ako sa kanya at sa nakakuyom nyang kamao.

"Grey?" Tawag ko.

"What?!" Inis nyang bulyaw sabay harap sakin, yung mata nya punong-puno ng galit at poot. Salubong ang kilay nya habang kunot ang noo.

Nang makita nyang ako ang tumawag sa kanya, biglang umaliwalas ang mukha nya tsaka sya huminga ng malalim.

White Magic AcademyWhere stories live. Discover now