Chapter 44:Watson

2K 70 12
                                    

GREY

I woked up feeling dizzy and sick. Tumayo ako at naglakad papunta sa banyo. Pakiramdam ko binibiyak ang ulo ko. Naghilamos ako pangpatanggal ng hilo.

Nang lumabas ako ng banyo eksaktong pumasok si mom na may dalang baso ng kape. Inabot nya sakin ito.

"Inumin mo yan pampabawas ng kirot ng ulo mo."

"Thanks, mom." Bulong ko at nahigang muli.

Naupo si mom sa gilid ng kama ko. She smiled. "Happy birthday, Grey."

Nagulat ako dahil sa sinabi nya. Birthday ko na pala ng hindi ko manlang namamalayan.

"Don't tell me hindi mo alam na birthday mo?" She asked while smiling.

"It's not even important." I whispered.

May kumatok sa pinto kaya naman tumayo si mom para buksan yun. Isang tauhan ni dad.

Hindi ko marinig ang pinag-uusapan ni mom tsaka nung tauhan ni dad kaya hinintay ko nalang silang matapos.

Nang umalis ang tauhan ni dad, nakangiting lumapit sakin si mom.

She clapped while smiling. "Grey, maghanda ka may pupuntahan tayo. Ipapakilala ka na daw ni Iñigo."

I shrugged. "Okay."

"Hindi ka ba masaya, anak?"

"Hindi ko na rin alam, mom."

"Mamaya pa namang gabi yun, may panahon ka pa para makapag-isip. Maiwan na muna kita sa ngayon." Paalam nya at lumabas na ng kwarto ko bitbit ang tasa.

Pipikit na sana ako para matulog nang bumukas nanaman ang pinto. Akala ko bumalik lang si mom pero si Blue lang pala. Namumutla sya at parang kulang sya sa tulog.

"Siguro naman nasabi na sayo ni mom yung balak gawin ni dad mamayang gabi diba?" She asked kaya tumango ako.

Naupo sya sa gilid ng kama ko habang nakayuko. Pinaglalaruan nya ang mga daliri nya.

"May gusto sana akong sabihin sa'yo. Pero promise mo muna na hindi ka magagalit?"

Ano ba kasing sasabihin nya? Ganon ba ka-importante yun kaya sya namumutla at hindi mapakali?

"What is it?"

"Mangako ka muna na hindi ka magagalit sakin!"

I closed my eyes before taking a deep breath. "Yeah, right. Promise."

"Kasi... ahm ano? Ah... hindi ko masabi! Kinakabahan ako!"

"Ano ba kasi 'yon? Kung ayaw mong sabihin, 'wag na. Hindi naman kita pinipilit."

She sighed. "I'm... I'm pregnant."

"And what? W-wait! What?" Nanlaki ang mata ko nang maintindihan ko ang sinabi nya. What the–

"I'm pregnant."

"Who's the father, Blue? Kailan pa 'yan? Bakit masyado kang padalos-dalos? Alam mo bang ikakamatay mo yan pati ng bata?! Kilala mo si dad at hindi siya magdadalawang isip na patayin ka!"

She sighed once again. "Paano ako makakapagsalita kung sunod-sunod ang tanong mo? Duh!"

"Answer me!"

"Masyado kang seryoso d'yan, hindi ka na mabiro. Syempre joke lang yun, lil' brother. Kilala ko si dad, ayokong mapahamak ang magiging anak ko."

I sighed. "Yun lang ba ang sasabihin mo? Wala akong oras makipaglokohan."

"Kasi naman... kinakabahan ako pero sige na nga! 'Wag kang magagalit ah!"

"Oo nga. Ano ba kasi 'yon?"

White Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon