Chapter 47:Prince

2K 77 8
                                    

SNOW

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman nang marinig ko ang sinabi ng witch. Hindi pa patay si Max pero hindi rin sya magigising kapag hindi sya nahalikan ng isang prinsipe ng mga bampira?

"Saan namin makikita ang prinsipeng sinasabi mo?!" Sigaw ni Lex.

Mas lumakas ang halakhak ng witch na para bang iniinis kami nito. "Saan ba matatagpuan ang mga prinsipe? Baka nasa bulsa niyo. Pakitingin nga."

Akmang susugudin na ni Kaizer ang witch nang pigilan sya ni Sophie. Napatingin ako sa kamay ni Sophie na nakahawak sa kamay ni Kaizer.

Ngayon ko lang napansin, bagay pala sila. Panahon na rin siguro para sumaya si Kaizer. Maganda si Sophie, mabait at mapagkakatiwalaan. Paniguradong magkakasundo sila ni Kaizer.

"Hindi kami pumunta dito para makipaglokohan sa'yo!" Sigaw ni Kaizer.

"Kaizer, tama na..." Awat dito ni Sophie. Pilit nyang pinipigilan si Kaizer sa akma nitong pagsugod.

"Halik lang ng prinsipe ang kailangan. Kapag hindi nangyari yun habang buhay ng tulog ang kaibigan niyo." Ani ng witch bago tuluyang lumipad paalis.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit. Ano bang pinaplano ng witch na yun? Hindi naman nya gagawin 'to dahil gusto niya lang. Baka naman nakatadhana talaga 'tong mangyari?

I sighed. "Lex, buhatin mo si Max."

He nodded. Tumingin ako kay Sophie, agad naman syang lumapit sakin.

"Ano yun?" She asked happily. Humawak pa siya sa braso ko.

"Tanda mo pa ba ang daan pabalik sa pinanggalingan natin kanina?"

She close her eyes. "A little bit."

"May mga bampira akong nakita don kanina, baka malapit lang ang kaharian nila."

"Kaya natin 'to," Kaizer said then put his arm around my shoulder. "Lalo pa't kasama ka namin."

Pasimple akong napatingin kay Sophie. Hindi na siya nakatingin samin. Tinutulungan na niya si Lex magbuhat kay Max.

"Sayang lang umalis na si Ice."

Napalingon ako kay Nhiro nang bigla siyang sumulpot sa gilid namin ni Kaizer. Hindi siya nakangiti, seryoso lang siya habang nakatingin sa kalangitan.

"Madadala niya sana tayo sa palasyo ng prinsipe." Dagdag niya.

I sighed. Hindi ko na mabilang kung nakailang buntong hininga na ba ako magmula pa kahapon–wait! Hindi ko alam kung ilang oras, araw, o linggo na ba kami dito dahil hindi nagbabago ang panahon. Nang mapunta kami dito gabi, at hanggang ngayon gabi pa rin.

Ilang araw na kaya kaming wala sa normal na mundo? Hinahanap na ba kami nila ma'am Liza? Ng mga magulang ko? Kamusta na kaya sila?

I sighed once again. Makakaalis pa kaya kami dito?

"Hindi mo ba siya pwedeng tawagin, Snow?" Kaizer asked.

"Hindi ko alam..."

Nhiro snapped. "Puntahan nalang kaya natin sa puno niya?"

"Hindi na kailangan..." A voice suddenly appeared from somewhere. It was Ice!

"Ice!" Sigaw namin nang bigla nalang siyang sumulpot sa harapan namin.

"Nalimutan mo agad yung sinabi ko sa'yo kanina. Alam ko lahat ng nangyayari sa'yo." She said.

Napatingin siya kay Max kaya tumingin rin ako. Pwede bang isipin ko nalang na kunyari napagod lang si Max sa paglalakbay namin kaya siya nakatulog at halik lang ng isang gwapong prinsipe ang sagot?

White Magic AcademyWhere stories live. Discover now