Chapter 19:Battle

2.4K 105 1
                                    

SNOW

Kinabukasan, pagpasok namin ng room agad in-anunsyo ni ma'am Liza na wala daw munang magkaklase ngayong araw dahil na rin sa magaganap na laban. Sinabi rin ni ma'am Liza na may magaganap na party mamaya.

Kung ako ang tatanungin wala akong balak sumama kaso nakaplano na pala ni Max ang susuotin namin. Sya pa ang pumili ng dress ko mula sa mga damit ko.

Kasalukuyan akong nanonood sa laban ni sir Sheen laban sa dalawang estudyante. Pagod na pagod na ang dalawa epero ni isang beses hindi pa nila nasuntok o nasugatan si Sir.

Kanina bago magsimula ang laban nagbunutan kami kung sino ang una't huling lalaban. Panglima dapat kami ni Sapphire pero ginamit nya ang pagiging maldita nya para makipagpalit sa kaklase namin, kaya ngayon panghuli na kami.

Ilang magkapartner na ang sumubok na talunin si sir pero hindi nila matalo ang itim na anino, kinokontrol ito ni sir. Wala pa sa limang duo ang mapalad na nanalo laban kay sir Sheen.

Agad bumalik ang tingin ko sa gitna ng court nang biglang sumigaw si Melody na parang hudyat na susugod na sila. Nanginginig ang kamay ni Melody sa kama pero pinanatili nyang seryoso ang mukha niya.

Kapag tinitingnan ko si Lex hindi ko matanggap na sya ang may gustong pumatay sa akin, alam ko wala pa akong sapat na ebidensya pero sya talaga ang pinakamalapit na salarin.

Kahapon muntik na akong matamaan ng dagger kung hindi dahil kay Grey, may utang na loob tuloy ako sa kanya.

Tutok na tutok ang lahat ng manonood sa hakbang na gagawin nina Lex. Nakarinig kami ng dagundong sa ilalim ng lupa, paunti-unting may umangat na mga malalaking bato mula sa ilalim ng court. 

Inangat ni Lex ang kamay nya at tinapat ang mga ito sa bato. Lumipad ang mga ito patungo sa direksyon ni sir Sheen. Nang tatama na ito kay sir, may itim na anino ang dumikit dito.

Biglang nabaliktad ang sitwasyon, bumubulusok na ang mga bato patungo sa direksyon nina Lex.

"Lex, ano na?! K-kontrolin mo na!" Natatarantang sigaw ni Melody. Lex shook his head.

"H-hindi ko makontrol!" Sigaw ni Lex at biglang namutla.

"Gumawa ka ng shield, bilis!" Sigaw ni Melody.

Agad gumawa si Lex ng malaking shield, bigla namang sumigaw si Melody dahilan kung bakit nabasag ito. Lahat ng nabasag na bato ay dumiretso sa direksyon ni sir.

Bahagyang nadaplisan si sir pero agad syang naglabas ng itim na animo na patungo sa direksyon ni Lex. Nakailag si Lex pero si Melody naman ay hindi.

Dumikit sa balat ni Melody ang itim na anino at sa isang iglap lang hindi na sya makagalaw. Ganon din ang nangyari sa ibang lumaban kay sir kapag nadidikitan sila ng itim na anino, hindi sila makagalaw.

Napasulyap ako sa entrance ng court at doon nakita kong nakapamulsang naglalakad si Grey papasok. Bigla syang napatingin sa direksyon ko, agad nagtama ang paningin namin. Ako na ang naunang nag iwas ng tingin.

Para akong matutunaw sa klase ng pagtitig nya.

Binalik ko ang atensyon ko sa gitna ng court, nagulat ako nang makitang napapalibutan na ang buong katawan ni sir ng bato. Agad na ring tinapos ang laban, at ang nanalo ay sina Lex.

Sumunod naman sina Max at Kaizer, magkatabi silang tumayo sa gitna. Napakagat sa ibabang labi si Max dahil sa kaba.

Mabilis na umatake ang itim na anino kina Max kaya mabilis silang umilag. Nagulat ang lahat nang biglang may mga asido ang gumapang sa kamay ni Kaizer at mabilis nya yong hinagis sa pwesto ni Sir kaso nailagan nya lahat yun.

White Magic AcademyWhere stories live. Discover now