Chapter 2:Royal family

8.5K 235 3
                                    

THIRD PERSON's point of view

Tahimik na nakamasid ang hari sa bintana ng kanyang mansion. Nanonood lang sa kanya ang mga tauhan niya. Hindi nila mahulaan kung anong binabalak ng kanilang lord kaya wala pa silang ginagawang aksyon.

"Lord Iñigo, ano ng gagawin natin ngayon? Malapit nang tumuntong sa tamang edad ang prinsesa." tanong ng isang binata. Tinatawag siyang A ng karamihan dahil iyon ang napili niyang codename.

Hindi nila napatay ang prinsesa noong sumugod sila sa bahay ni Ella kaya pinalipas muna ni Iñigo ang ilang taon.

Iñigo smirked.

"May mas maganda akong plano. Hindi pa ito ang tamang oras para gawin 'yon," he said. Tumingin siya sa isang assassin. "Call my son."

Dali-daling tumango at lumabas ang assassin.

"Hail for the king! Hail for the Middle Kingdom!" sigaw ng mga tauhan habang nakangising demonyo. "Death for the ice princess!"

Napatigil ang lahat nang may tumikhim. "Lord Iñigo, bakit hindi na lang natin tigilan ang prinsesa tutal ikaw na ang hari ng buong Shanxi Land?"

"You traitor!" galit na galit na sigaw ni Iñigo at nagbato ng fire ball sa tauhan niyang naglakas ng loob na kalabanin siya.

"Argh! H'wag! M-maawa ka, may pamilya pa—" Hindi na natapos ang sigaw nito dahil tuluyan ng nilamon ng apoy ang buo nitong katawan.

---

SOMEONE's point of view

I heaved a sigh habang nanatiling nakamasid sa labas. Hindi mawala sa isip ko ang kasambahay na pumasok sa kwarto ko. She's weird. Sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko na ulit siya nakita.

Nakita ba niya ang mukha ko? Isa ba siyang espiya? Nang balikan ko siya sa banyo ay hindi ko na siya nakita, tumakas siya sa pamamagitan ng bintana.

Napapikit ako at muling naalala ang asul niyang buhok. Hindi pangkaraniwan ang kulay ng buhok niya. Who is she?

Hindi ko masyadong natitigan ang mukha niya dahil sa bilis ng mga pangyayari. Muntik pa kaming mahuli ni Blue. Wait what?

Wala naman kaming ginagawa ng maid na 'yon kaya bakit ko nga ba siya tinago?

"Young master?" Napatingin ako sa pinto nang may kumatok.

"Come in," malamig kong sabi. Bumukas ang pinto at pumasok ang isang assassin.

"Gusto po kayong makausap ng iyong ama," he said and bowed. Walang sali-salitang naglakad ako palabas. Ano nanaman kayang kagaguhan ang sasabihin ng pinakamamahal kong ama?



Rinig ko mula dito sa labas ng opisina ang pagsigaw ng isang lalaki. Siguradong isa nanaman siya sa mga kawawang pinatay ni dad ng walang pag-aalinlangan.

Hindi ko gusto ang ginagawa ni dad pero wala rin akong magagawa para pigilan siya. He's the king, I'm just... his son.

Rinig ko ang tawa ni dad, tawa na animo'y nang aasar. "Don't worry, papatayin ko rin sila para naman magkasama kayo sa impyerno."

I clenched my fist. Mariin akong napapikit nang marinig ko ang tawa ng iba pang assassin na nasa loob. Damn! Hindi man lang ba sila malulungkot dahil kasamahan nila yung pinatay? Stupid assassin!

He just killed someone, wala ng bago do'n. Halos araw-araw may pinapatay siya at wala siyang pakialam kahit pa mabahiran ng dugo ang kamay niya. He loves it, he really do.

"Clean this ashes," rinig kong utos niya.

Nang marinig ko 'yon agad na akong pumasok, naabutan ko pa na balewalang winawalis ng isang assassin ang abo ng kasamahan nila.

White Magic AcademyWhere stories live. Discover now