Chapter 46:Tree of Life

2.1K 81 4
                                    

SNOW

"Ito na ba ang underworld?" Sophie asked. Dahil sa tanong nya inilibot ko ang paningin ko sa paligid. Napapaligiran kami ng naglalakihang puno.

Kapag naman tumingin ka sa kalangitan wala kang makikita kahit na isang butuin. Bilog na bilog ang buwan na parang ginawa ito para maging ilaw ng underworld.

"Bakit gabi na? Umaga tayo umalis sa White City di'ba?" Tanong naman ni Lex.

"Underworld 'to Lex hindi White City." Max said habang yakap ang sarili nya. Inikot nya ang paningin nya at pinagmasdan ang mga puno sa paligid namin. "Hindi ko alam pero kinikilabutan ako. Umuwi nalang kaya tayo."

Napabuntong hininga ako, "Nandito na tayo pero hindi natin alam kung saan tayo sunod na pupunta."

"G-guys, may paparating..." Bulong ni Lex habang namumutla. Pagkasabi nya non napatigil kaming lahat sa paghinga at pinakiramdaman ang paligid.

Bigla kaming natarantang lahat. Namalayan ko nalang na hinihigit na ako ni Nhiro paalis, kaya hinigit ko si Max. Sumunod rin naman agad samin sina Sophie, Kaizer at Lex.

Nagtago kami sa likod ng isang malaking puno at hinintay kung ano ang paparating.

"Ang intense..." Sophie whispered.

Isang matangkad na lalaki ang sumulpot mula sa kung saan. Hindi ko makita ang mukha nito dahil nakatalikod sya mula sa amin. Ang malapad lang nyang likod ang nakikita namin. Naka itim itong tshirt at pantalon: wala itong suot na sapatos.

Napasinghap ako nang mag-anyong lobo ang lalaki. Lumundag ito pataas sa puno at nawala nalang sa paningin ko na parang bula.

"Werewolf." Nhiro whispered. Kanina pa sya tahimik kaya medyo nagulat ako nang bumulong sya sa gilid ko.

Malungkot akong napangiti. Hindi ko alam kung dapat ba akong magalit o maawa kay Nhiro. Pumapatay sya dahil iyon ang utos sa kanya ni Iñigo Watson. Nag-aaral sya sa WMA para manmanan ako dahil rin yun kay Iñigo Watson.

"Ibig sabihin totoo talaga sila! Oh my god!" natatakot na sabi ni Max.

"Umuwi nalang kaya tayo?" Ani Lex habang nanginginig sa takot. Gusto ko silang pakalmahin pero maging ako hindi alam ang gagawin.

"Hindi pa pwede. Kailangan pa natin ang gamot." Sophie said.

"Nhiro, nakapunta ka na ba dito noon?" Tanong ko at nilingon si Nhiro sa tabi ko. Napalingon naman sya sakin, halatang nagulat sya na kinausap ko sya.

Kung may galit man ako sa kanya hindi ko dapat pairalin yun ngayon dahil nasa isa kaming misyon at hindi lang isang simpleng misyon dahil nasa underworld kami.

"Hindi pa, pero..."

I raised one eyebrow at him. "Pero ano?"

"May nalalaman akong kaonting detalye tungkol sa underworld." Sagot nya habang nakatingin sa kalangitan. Hindi sya makatingin sa mga mata ko.

"Ano naman yun?" Lex asked.

"Hindi sumisikat ang araw dito." He said as he kept looking at the sky seriously. Ni hindi sya kumukurap habang nakatitig sa taas.

"You mean palaging gabi?" Tanong ko sa kanya.

He nodded.

Hindi pala talaga ordinaryong mundo ang pinasok namin. Maaaring hindi na kami makabalik, pwede ring dito na kami mamatay.

Lex laughed. "Ibig sabihin palaging tulog ang mga tao dito? Ang swerte naman nila."

"No. Walang nabubuhay na tao dito. Lahat ng nakatira dito hindi nila kailangang matulog." Nhiro said.

White Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon