Chapter 1:Snow

7.2K 196 42
                                    

SNOW

After 10 years...

Pigil ang hininga ko habang patagong gumagapang palabas sa kariton na puno ng alak. May selebrasyon ngayon sa Middle Kingdom kaya minabuti ko ang magmanman.

Eksakto naman na tumigil ang kariton na ito sa White City kaya nakapagtago ako sa loob bago ito dumiretso dito.

Nang masiguro kong nakaalis na ang mga bantay ng kariton na ito, dali-dali akong tumakbo papasok ng mansyon. Mabuti na lang at abala sa pakikipag-utuan ang mga mayayaman na ito.

Some were looking at me because of my blue hair but they will just continue their business, not minding my presence.

Wala namang halaga ang isang mahirap na katulad ko sa mga mayayamang tulad nila. That's why I hate them. Nabubuhay pa rin sila ng payapa kahit na may isang inosenteng buhay silang pinatay?

Pasimple akong pumasok sa tulugan ng mga katulong at naghanap ng ekstrang uniporme para may masuot ako sa pagpapanggap na ito. Nang may mahanap ay agad ko itong sinuot. I put a brown make-up on my face kaya hindi kita ang kaputian ko.

Naglakad ako sa gitna ng mga tao habang nagpapanggap na isang serbidora. May bitbit akong tray na wala ng laman para wala ng manghingi sa akin ng alak.

"Hey! Give me some wine!" sigaw sa akin ng isang babae.

"Ubos na po ang hawak kong wine," nakayukong sabi ko para hindi niya makita ang mukha ko.

"What?! Kumuha ka sa kusina! Bilisan mo!"

Tumango na lang ako at nagpanggap na patungo sa kusina. Nang masiguro kong wala ng nakatingin sa akin pasimple akong umakyat sa ikalawang palapag.

I looked around at naghanap ng possibleng maging opisina ni Iñigo Watson. 

"Blue, nakausap mo na ba ang kapatid mo?"

Nanlaki ang mata ko nang makita na makakasalubong ko sa daan ang isang medyo may katandaan ng babae pero mababakas pa rin dito ang kagandahan at kasosyalan, may kasama itong isang dalagitang may itim na mata at pulang buhok. Nag-igting ang panga ko sa galit.

Isang Watson...

"Yes, mom. Ayaw niyang lumabas ng silid niya. He said na wala daw siyang pakialam sa party kaya hindi ko na siya pinilit," Blue Watson said.

She looked at me kaya nagpanggap ako na pinupunasan ang mga painting na nakadisplay.

"Tell him that we need him there."

"I already told him that, mom." Ramdam ko ang pagsulyap sa akin ni Blue Watson bago sila tuluyang makababa.

I combed my blue hair using my fingers. Nakalugay lang ito kaya for sure na nakita niya ito. Siguradong nagtaka siya sa kulay ng buhok ko.

Nakarinig ako ng boses na para bang nag-uusap. May kalayuan ang silid na kinaroroonan nila ngunit dahil sa tahimik ang pasilyo kaya naririnig ko sila.

Akmang maglalakad na ako patungo doon nang bumukas ang pinto at lumabas ang higit sa sampung mga assassin.

Napalinga-linga ako sa paligid at naghanap ng matataguan. Eksaktong may pintuan sa aking likuran kaya dali-dali akong pumasok dito.

Bumungad sa akin ang isang malawak at malinis na silid. I think it's a guy's room dahil amoy panlalaki ang silid. Pinaghalong puti, itim, at grey ang kulay ng pader.

Napaawang ang labi ko nang bumukas ang pinto na sa tingin ko ay banyo. Lumabas mula dito ang isang lalaki na nakatwalya lang!

Imbes na sa mukha niya ako nakatingin, namalayan ko nalang na nakatingin ako sa towel na tanging nakatakip sa katawan niya.

White Magic AcademyWhere stories live. Discover now