Special Chapter

2.5K 70 10
                                    

"Mommy! Mommy!"

Agad akong napalingon sa bunso kong anak na tumatakbo palapit sa akin habang umiiyak. Her name is Zenayah Faith Watson, she's seven years old already while her kuya is nine years old.

"Yes, baby?"

Lumuhod ako sa harap niya para mapantayan siya. Pinunasan ko ang luha niya. Napangiti naman ako nang masilayan ang kakaibang ganda ng anak ko. Her eyes is so beautiful just like her kuya.

Their eyes have a different color. Sa kanan ay blue, at sa kaliwa ay red. Minana nila sa akin at sa kanilang ama. My dad said that it's the first time na nangyari 'yon. Their eyes is rare and special.

She sobbed. "Si kuya po!"

"What about your kuya Zach?"

"N-naglalaro po ako kanina sa garden tapos po dumating si kuya. Bigla niya pong inagaw yung barbie ko tapos hinagis niya po... t-tapos po sumigaw po siya ng Zen, ang bato! Waaah! Tapos mommy, nasira po yung barbie ko! Ang bad po ni kuya Zach!"

"Zacharias Cole Watson!" sigaw ko na rinig ata sa buong mansyon.

Napatingin ako sa panganay kong anak na tumatakbo palapit sa amin. Kita ko sa gwapo nitong mukha ang takot at kaba dahil sa kalokohang ginawa niya.

"A-ano po 'yon, mommy?"

"Bakit pinapaiyak mo ang baby natin?"

Napakamot naman siya sa batok niya. "S-sorry po, mommy. Hindi na po mauulit."

"What's happening here?"

Sabay-sabay kaming napalingon ng mga anak ko sa bagong dating. Oh? Nandito na pala yung pinagmanahan ng kakulitan ni Zach.

"Daddy!" sabay na sigaw ng dalawa at nag-unahan sa pagtakbo palapit sa daddy nila. Nagyakap silang tatlo.

Nagtatakang napatingin naman sa akin si Grey. Sinenyasan niya akong lumapit sa kanila, so I did. Nang makalapit ako sa kanila bigla na lang niya akong hinalikan at niyakap ng mahigpit.

"I miss you," he said huskily.

"I love you," bulong ko naman. It's been ten years simula ng magpakasal kami. After a month simula noong malaman ko na buhay pa siya, nagpakasal agad kami.

Hindi naman siya excited, ano?

"Tita Snow!"

Sabay-sabay ulit kaming napalingon sa bagong dating. It's Vanrei Ashley Yu, with his mommy Blue.

"Baby Rei!" sabi ko at tumakbo para yakapin siya. Mahina akong natawa nang sumimangot siya.

"I'm not a baby anymore, tita."

Noong una ay baby Grey pa ang tawag ko sa kanya pero 'di kalaunan ay nagreklamo si Grey. Nalilito daw siya kung sino ang tinatawag ko dahil baby ko rin daw siya.

"You're still our baby," sabat ni Blue.

"But there's Zacharias and Zenayah already. Sila na ang bagong baby," anito at ngumiti ng matamis bago tumakbo palapit sa dalawa kong anak.

"Kuya Rei!" sigaw ni Zen at yumakap dito. Nagfist bumb naman si Rei at Zach.

Napatingin ako sa gilid ko nang may umakbay sa akin. It was Grey.

"Hey, lil' bro!" bati dito ni Blue.

"Blue, ikaw na muna ang bahala sa mga bata," ani Grey at hinigit na ako papasok ng mansyon.

"It's been a years since we made love," he whispered softly.

I blushed. Ilang taon na kaming mag-asawa pero nahihiya pa rin ako kapag ganitong usapan.

Damn it! I'm acting like a freaking teenager. I'm a wife and mom now for goodness sake!

"I really, really miss you, mi reina."

Ilang araw kaming hindi nagkausap ng maayos dahil masyado siyang busy sa buong kaharian. Five years ago nang ipasa sa kanya ni dad ang responsibilidad bilang hari ng Middle Kingdom.

I looked straight into his eyes and said, "I really, really miss you too, Grey."

"I love you," he said and pulled me into a hug. And the next thing I knew is we're now kissing passionately.

Naramdaman ko ang malambot na kama sa likuran ko. Ilang minuto ang lumipas ng humiwalay siya sa halik dahil pareho na kaming naghahabol ng hininga.

He kissed my forehead down to my cheeks. Ramdam ko ang kamay niya na humahaplos sa hita ko.

"I love you, Snow. My wife..." he said and kiss me again on my lips. Kusang gumalaw ang mga kamay ko para haplusin ang gwapong mukha ng asawa ko.

I moaned when he kissed me on my jaw down to my neck. Akma niyang huhubarin ang suot kong tshirt nang makarinig kami ng sunod-sunod na pagkatok.

"Mommy!" rinig naming sigaw ni Zach mula sa labas.

"Shit." bulong ni Grey at nakasimangot na tumayo. Siya na rin ang nagbukas ng pinto. "What do you need, little boy?"

I chuckled. Sorry baby Zach, kung nasungitan ka ng daddy mo. Nabitin kasi, eh.

"Mommy! Daddy! Si Zen po nasa loob po siya ng nasusunog na kubo!"

Agad akong napatayo dahil sa isinigaw ni Zach. Tumakbo kaming tatlo palabas ng bahay. At doon sa garden ay nakita namin ang nasusunog na tree house.

Pilit na umaakyat si Blue doon sa hagdan ngunit nahihirapan siya dahil sa usok.

"Zen! Anak!" sigaw ko at tumakbo palapit sa tree house. Rinig ko na umiiyak na si Zach at Rei sa isang tabi. Naluluha ako habang pinapanood si Grey na pilit na umaakyat sa tree house.

Naramdaman ko na may yumakap sa tuhod ko, it was Zach and he's crying really hard.

"M-mommy, hindi ko na po aawayin si Zen b-basta po makalabas po siya doon ng buhay," aniya.

"Shh, baby. Buhay pa si baby Zen natin. Strong siya like your daddy, right?"

Pilit akong ngumiti kahit na parang dinudurog na ang puso ko.

"What happen, baby?"

He sniffed. "Naglalaro po kami nina kuya Rei tapos po umakyat po si Zen sa tree house. T-tapos po after a minute bigla pong nasunog yung tree house..."

"Kuya Zach! Mommy!"

Sabay kaming napalingon ni Zach sa tree house dahil narinig namin ang boses ni Zen. Buhat-buhat ito ni Grey habang pababa sila sa tree house.

Kita ko na wala ni isa mang galos ang anak ko. Napatakbo kami ni Zach palapit kay Zen. Niyakap ko siya habang humahagulgol ako ng iyak.

"Stop crying, mommy."

"Pinag-alala mo si mommy," sabi ko. Tumingin ako kay Grey na puno ng abo ang damit. "What happen?"

He sighed. "That fire is from her. Kaya hindi siya nasaktan."

Agad nabalik ang tingin ko kay Zen nang pumalakpak siya. "Mommy, ang cool po kanina! May lumabas po na fire sa kamay ko tapos nakokontrol ko po!"

Napangiti na lang ako sa anak ko. Sobra-sobra ang pag-aalala ko kanina. Akala ko may mangyayaring masama sa kanya. Mas lumawak ang ngiti ko nang yakapin ni Zach ang kapatid niya.

"B-bunso, sorry. Hindi ko na sisirain yung mga toys mo. Basta promise mo sa akin na safe ka lang palagi," Zach said.

"Opo, kuya!" sabi naman ni Zen at masayang tumakbo paikot sa garden.

Ramdam kong hinalikan ni Grey ang tuktok ng ulo ko. "Don't worry, maayos na silang dalawa. Let's go?"

"Saan?"

"Let's continue what we're doing," he said playfully. Hinampas ko siya sa braso kaya napa-aray siya.

"Tigilan mo ako, Mr. Watson."

"Tsk. Titigil na po, Mrs. Watson." Itinayo niya ako at mahigpit na niyakap. "I love you, ulit. Tara na sa room natin?"

"Letse! Akala ko ba titigil ka na?"

He pouted. "Baka kasi magbago pa yung isip mo. So, tara na?"

White Magic AcademyWhere stories live. Discover now