Chapter 36:Ivan Grey

2.1K 72 4
                                    

GREY

Isang linggong wala akong balita kay Snow. Isang linggo na rin akong nakakulong lang sa kwarto ko. Ayokong makipag usap sa kahit kanino dito sa mansyon.

If I will be given a chance to talk to someone, it will be Snow, only her. Alam ko ang laki ng kasalanan ko sa kanya kaya kailangan kong bumawi.

Pagbalik ko dito nung nakaraan si dad agad ang pinuntahan ko. Nakiusap ako at pinilit syang pigilan sa pagpatay kay Snow, halos lumuhod na ako sa harapan niya pero tinutukan niya lang ako ng baril.

Ang pinagtataka ko lang bakit parang galit na galit si dad kay Snow? What did she do to make him this angry? Sa pagkakaalam ko si Snow ang dapat magalit dahil pinatay ni dad ang umampon sa kanya.

And I need to know what's the reason of this...

Agad akong tumayo mula sa pagkakahiga sa kama. Napatingin ako sa pader na nasa harapan ng kama ko. Bahagyang kumunot ang noo ko dahil hindi ko nakita doon ang The Mysterious Girl painting.

Sa loob ng isang linggo kong pananatili dito, ngayon ko lang napansin na nawawala ito. I shrugged. Baka naman kinuha lang ni mom.

Lumabas ako ng kwarto at dumiretso sa kwarto ni Blue.

Siya lang ang alam kong makakatulong sa'kin. Alam ko rin na hindi naging maganda ang pag-uusap namin sa WMA kaya kailangan kong humingi ng tawad.

I knocked three times at her door.

"Come in!"

Pumasok ako sa kwarto niya at agad ni-lock ang pinto. Naabutan ko syang nagbabasa ng libro habang nakadapa sa kama niya.

"Nakauwi ka na pala?" she said coldly. She didn't even took a glance at me, nagpatuloy siya sa pagbabasa na parang wala ako sa loob ng kwarto niya. I'd understand her though.

"Blue..."

She rolled her eyes. "What?"

I sighed. Alam kong ganito ang magiging trato niya sakin. Blue known for being mean. Halos lahat ng maid ay tinatarayan niya, maging ang guard na nagbabantay sa kanya.

Ako yung klase ng tao na minsan lang magsabi ng 'sorry' pero hindi ako magdadalawang isip na sabihin ito sa mga taong mahalaga sa'kin.

"I'm sorry."

Sa pagkakataong ito lumingon na sya sa direksyon ko.

"Totoo ba yung narinig ko? Nagsorry ka? For real?"

Tumango ako kahit na nakakunot ang noo ko. Hindi ba kapani-paniwala na nagsorry ako?

"Sorry kung... nasigawan kita noon," dagdag ko.

"Naiintindihan na kita, lil' brother. Mahal mo siya. Ayaw mo lang aminin sa sarili mo."

Hindi agad ako nakasagot, "I don't want to hurt her..."

"Ganon rin 'yon. Gusto mo syang maging masaya, hindi ba? Gusto mo lagi mo siyang nakikita?"

Tumango ako sa mga sinabi niya dahil tama naman siya.

"I'm right! You're really inlove!"

"I don't know." Yumuko ako dahil pakiramdam ko uminit ang mukha ko. Pwede palang mangyari sa'kin ang bagay na'to.

"Lil' bro sorry din sa pamimilit ko. Alam kong naiipit ka sa isang sitwasyon tapos dumagdag pa'ko. I'm sorry," aniya at biglang nangilid ang luha sa mata niya.

Tumayo siya at tumakbo palapit sa'kin. She hugged me tight. Niyakap ko siya pabalik.

I smiled. "It's okay. Let's just move on. Walang mangyayari kung mag-aaway tayo."

White Magic AcademyWhere stories live. Discover now