Chapter 6:Friends

4.2K 141 8
                                    

SNOW



It's seven in the evening pero nakatambay parin ako sa labas ng bahay ko. Wala naman kasi akong magawa. Napatingin ako sa kalangitan, ang daming bituin sa langit.

Buti pa sila may kasama.


Bukas may pasok na sa WMA, aminado akong kinakabahan ako. Pagkakataon ko na ito para baguhin ang sarili ko. Susubukan ko ng makipagkaibigan.

Ang sabi sakin ni manong Roger, pupuntahan nya ako mamaya sa bahay para ihatid sa school. Kumuha daw ako ng mga gamit ko.

"Snow!"

Napalinga-linga ako sa paligid nang may tumawag sa pangalan ko. Pero, wala namang tao. Imagination ko lang ba yun?

"Dito sa taas!"

Kunot ang noo ko nang tumingin ako sa itaas. Si Bea, nakangiti sya habang kumakaway sakin. Nakasakay sya sa lumilipad nyang carpet. Bumaba sya sa harap ko.

"Tara Snow! May party kami sa bahay! Sumama ka na, dali! Kami-kami lang yun ng nga kaibigan ko, ipapakilala kita sa kanila."

Umiling ako. "May pasok na kasi kami bukas."

"Iuuwi rin kita mamayang ten, dali na! Pumayag ka na, promise matutuwa ka."

I sighed. "Sige."

Napangiti naman sya sa pagpayag ko. Dali-dali syang pumasok sa bahay ko at naghalungkat sa kabinet ko. "Ito, bagay 'tong dress sa'yo!"

Inabot nya sakin ang isang puting dress, off-shoulder ito, above the knee rin kaya ayos naman siguro kung susuotin ko 'to ngayong gabi. Agad akong pumasok ng banyo at nagbihis. Pagkalabas ko nakita ko si Bea na may hawak ng kahon ng sapatos.

Ngumiti sya at inabot sakin yun. "Binili ko yan kanina nung nagsusukat ka. Nakalimutan ko lang i-abot."

---

Nakita ko ang isang malaking gate na may nakalagay na South City. Nandito na kami sa bayan nila. Tumigil kami sa tapat ng isang malaking bahay, dahan-dahang bumaba ang carpet na sinasakyan namin sa lupa.

Agad akong hinila ni Bea papasok ng bahay nya. Naabutan naming masayang nagke-kwentuhan sa sala ang mga kaibigan nya. Tatlong magagandang babae.

Nang mapansin nila kami, agad silang napatigil sa pagke-kwentuhan. Sunod-sunod akong napalunok. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako.

"Bea, sya ba si Snow? Yung kine-kwento mo sa amin?" tanong ng isang singket na babae.


Tumayo sya at lumapit sakin habang may hawak syang baso ng wine sa kanang kamay.

"Yes, she is. Diba ang ganda nya?" Ani Bea.

The girl nodded vigorously. "Hi, Snow, Im Hane and this one is Varie." Aniya at tinuro ang isa pang babaeng nakaupo sa sofa.

Agad kumaway sakin si Varie nang marinig ang pangalan nya. Tumango lang ako.

Nagulat ako nang patakbo itong lumapit sakin. Hindi na ako nakaimik nang bigla nalang syang yumakap sakin.

"Hi, Snow! Nice to meet you!" Aniya.

"Hello." Bulong ko.

Hinigit ako ni Varie paupo sa sofa, agad syang naupo sa tabi ko. May lumapit naman saming isa pang babae. Morena sya at maliit.

"Im Kelly, by the eay. Its nice to finally meet you." Pakilala nya at inabot sakin ang isang plato na puno ng brownies. "Tikpan mo yan, bake ko yan kanina."

White Magic AcademyWhere stories live. Discover now