Chapter 26:Team

1.9K 76 5
                                    

SNOW

I expected Grey on the list but I was wrong, it was Kaizer not Grey. Hindi naman sa ayaw ko kay Kaizer na mapasali pero parang may mali.

Biglang tumayo si Sapphire sa upuan nya. "What the heck! No way! Hindi pwedeng sumali si Kaizer sa ganyan, alam mong hindi papayag ang dad namin!"

Napatingin ako sa reaksyon ni Kaizer, nakatitig ito sa kawalan habang nanlalaki ang mata, halata mong gulat na gulat sya.

"Actually, si Grey talaga dapat, but sad to say, one man talked to me and he said na may sakit si Grey kaya hindi sya pwedeng lumaban kaya–"

"I'd volunteer myself." Grey said, bigla rin syang tumayo. "Wala akong sakit at hindi ko kilala kung sino man ang kumausap sayo."

If Im not mistaken ang fight of the century ay laban kung saan buhay mo ang nakataya, bakit mas gusto pa ni Grey na sumali?

"Okay then, that's settle." Ma'am Liza said, bigla itong naglakad palabas ng pinto. "Sumunod kayong lima sa akin."

Naglakad ako palabas, nauuna sina Max habang nasa pinakalikod kami ni Grey. Nagtataka ako kay Grey, bakit mas gugustuhin nya pang sumali sa fight of the century? Pangarap nya bang tumira sa Middle kingdom?

"Anong ginawa mo?" Tanong ko kay Grey matapos ko syang sikuhin.

Bahagya syang sumulyap sakin. "Anong ginawa ko?"

"Bakit ka sumali?"

"Saan?" He asked sarcastically.

"Nang-iinis ka ba ha?"

He smirked. "Tingin mo?"

"Im not kidding, Grey." Mariin kong bigkas.

"Hi Im not kidding, Im Grey."

Hindi na ako nagsalita, mas binilisan ko ang lakad ko para makahabol kina ma'am Liza. Ang bagal pala naming maglakad ni Grey kaya nahuhuli na kami. Ano bang nangyari sa lalaking 'to? Bakit nagiging ganito ang ugali nya?

Nakakabwisit!

Mariin akong napapikit nang maramdaman kong hinawakan ni Grey ang braso ko.

"Kung nandito ka lang para mang-asar, pwede ba lumayo ka nalang." I said.

"Sorry na nga." Bulong nya. "Hindi na kita iinisin, promise."

Hindi ko sya pinansin, dire diretso akong pumasok sa isang room kung saan nandoon sina Max. Para itong isang training room pero mas malaki, at may isang pinto sa gilid.

Naupo kaming lahat sa sahig, naupo ako sa tabi ni Max at naupo naman si Grey sa tabi ko. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid ng room, walang kahit na anong bintana.

"As you can see, kayong lima ang napili bilang mga representative ng school dahil na rin sa lakas nyo. Kung ako ang papapiliin, wala akong pipiliin dahil masyadong delikado ang laro para sa inyo."

"Bakit kami ma'am? Maraming mas malakas sa amin sa buong school." Max said.

"Nasa section niyo ang mga pinaka malalakas dahil kayo ang class A students, sa inyong magkaka klase kami namili ng lima. Don't worry may anim na buwan pa kayo para mag ensayo, at ako ang magiging trainer nyo." Ma'am Liza said.

"Panong training po ang gagawin namin?" Tanong ni Lex.

"Makikita nyo bukas, and hindi nyo na pala kailangang um-attend sa mga klase nyo dahil dito sa training room ang diretso nyo. Sige na, maaari na kayong magpahinga." Aniya at ngumiti sa amin.

Sabay sabay kaming lumabas ng training room. Ano ba 'tong pinasok ko? Tama pa ba ang ginagawa ko?

"Snow, tara sa cafeteria?" Yaya sakin ni Max.

Agad akong umiling. "Sa garden lang ako."

Tumango naman sya sa sinabi ko, agad nyang hinigit si Lex papunta sa cafeteria. Yumuko ako at nagsimulang maglakad patungo sa garden. Ewan ko pero kapag mabigat ang kalooban ko, garden lang ang palagi kong pinupuntahan. Tahimik kasi tsaka wala masyadong tao.

"Snow,"

Agad akong napatigil sa paglalakad nang marinig ko ang boses ni Grey sa likuran ko. Humarap ako sa kanya at nagtaas ng kilay.

"Anong kailangan mo?" Pagtataray ko sa kanya.

"Galit ka parin ba?"

"Hindi, bakit naman ako magagalit? Sino ka ba para magalit ako sayo?"

He sighed. "Galit ka nga."

"Buti alam mo." Sabi ko. Umirap ako sa ere at naglakad na palayo. Ramdam ko na nakasunod sya sakin pero wala akong pakialam sa kanya. Bahala sya sa buhay nya, kainis!

Naupo agad ako sa bench na nasa tabi ng isang puno. Ramdam ko na nakatayo si Grey sa may gilid ko pero hindi ko sya tinapunan ng tingin.

"Alam mo Snow masamang magpanggap na malakas ka–"

"Sinasabi mo bang mahina ako ha?" Tanong ko sa kanya at tinaasan sya ng kilay.

Agad syang tumayo sa harapan ko. "What I mean is walang masama kung iiyak ka minsan, walang masama kung makikipag kaibigan ka–"

"Sinusubukan ko naman! Hindi mo ba nakikita kinakausap ko na si Max, nilalapitan ko na sina Lex, at ikaw, diba sinabi mo sakin na magkaibigan na tayo! Hindi pa ba sapat yun, ha? Gusto kong magbago kaya ginagawa ko ang lahat ng 'to!" Sigaw ko.

"Snow," bulong nya.

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa galit. Habol ko ang hininga ko nang matapos ako sa pagsigaw. Sa pagkakataong ito, hindi ko nakontrol ang sarili kong emosyon. Napatingin ako sa mukha ni Grey, gulat na gulat sya sa biglaan kong pagsigaw.

I sighed. "S-sorry, hindi ko lang napigilan."

"Ayos lang, hindi naman ako pumunta dito para makipag away."

"Para mang inis lang?"

That made him laugh. "Halika, may ipapakita ako sayo."

Hindi na ako nakapagsalita nang higitin nya ako palapit sa puno. Sinenyasan nya akong umakyat, tinulungan nya ako para maiangat ko ang sarili ko. Nang nasa taas na ako, tinulungan ko naman syang makaakyat.

"Look!" Aniya at tinuro ang tanawin sa harap namin. Nanlaki ang mata ko sa sobrang pagkamangha, kitang kita mula dito sa taas ng puno ang ganda at ang laki ng buong White Magic Academy.

"Wow!"

"Tingnan mo!" Grey said at tinuro sakin ang malawak na field sa loob ng academy.

"Wow, kita natin yung mga estudyante mula dito."

"It's cool, right? Kaya paborito kong mahiga dito."

"Now, naniniwala na ako na wala kang lahing unggoy, sadyang maganda lang talagang tumambay dito." Sabi ko at mahinang tumawa. Naalala ko yung araw na tumalon sya sa harapan ko galing sa punong ito.

"Tara, baba na tayo. Bumalik ka na sa dorm mo para maaga kang makatulog, may training na bukas." Aniya at agad tumalon pababa ng puno.

"Hindi ka ba napipilayan sa ginagawa mo?" Tanong ko.

"Hindi."

"Ang taas kaya nitong puno tapos tinatalon mo lang."

He laughed. "Nasanay lang akong tumalon sa matataas na pader noon."

Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi nya. "Don't tell me magnanakaw ka noon?"

"No. Palagi ko kasing tinatakasan ang dad ko, hindi kasi ako pwedeng lumabas ng bahay." Aniya at bahagyang ngumiti. "Tara na, ihahatid na kita sa dorm mo."


To be continue...

----

End of Chapter 26

White Magic AcademyWhere stories live. Discover now