Chapter 22:Sunrise

2.3K 88 11
                                    

SNOW


Nagising ako nang bandang alas kwatro ng umaga, sinubukan kong matulog ulit pero hindi na ako tinablan ng antok.

Wala naman akong gagawin dito sa kwarto, kaya nagpasya akong lumabas ng dorm. Nagsuot ako ng itim na jacket dahil malamig sa labas ng ganitong oras. Nagdala na rin ako ng flashlight.

Paglabas ko ng dorm halos yakapin ko na ang sarili ko, sobrang lamig ng simoy ng hangin. Kahit na nakajacket na ako ramdam na ramdam ko parin ang lamig.

Bahagya akong napangiti nang matanaw ko ang bukana ng garden. Mukhang tamang lugar ang napuntahan ko.

Naupo ako sa bench na katabi lang ng isang puno. Dito sa upuang 'to kami nakaupo ni Grey nang sabihin nya saking may nagmamasid sa amin. Hindi agad ako nakapag isip ng matino nun, nabalot ng kaba ang dibdib ko.

Hindi ko na makilala ang sarili ko. Noon, wala akong pakialam kahit mamatay man ako dahil wala naman na akong kasama, mag isa nalang ako, kaya ano pang silbi ko sa mundo. But now, nakilala ko sila Max. Little by little, I know I've changed.

"Hey..."

"Ha?" Bulong ko.

Agad akong napatayo nang makarinig ako nang boses, nilibot ko ang paningin ko pero wala namang ibang tao bukod sakin.

"Dito sa taas."

Tumingin nga ako sa itaas tulad ng sinabi ng boses, pero puro bituin lang ang nakita ko. Ligaw na kaluluwa ba ang kausap ko?

Nanlaki ang mata ko nang may tumalon mula sa puno pababa sa harap ko. Sunod sunod akong napalunok nang magtama ang paningin namin ni... Grey?!

Medyo madilim sa garden pero kita ko ang pula nyang mata, dahil na rin sa liwanag ng buwan. Agad kong nilabas sa bulsa ng pantalon ko ang dala kong flashlight.

"What are you doing here?" He asked.

I sighed. "Can't sleep, ikaw? Mukhang kanina ka pa dito."

"Same as yours. Kagabi pa ako dito, dahil hindi ako makatulog sa dorm."

"May lahing unggoy ka ba?"

Bahagyang kumunot ang noo nya. "What kind of question is that?"

I shrugged. "Sanay ka kasing matulog sa sanga ng puno."

"Marami lang puno sa bahay kaya marunog akong umakyat sa puno." Aniya at naupo sa bench na nasa gilid namin. He tapped the space beside him, he signalled me to sit, so I did.

Tumingin ako sa kalangitan, nagsisimula ng magkulay kahel dahil papasikat na ang araw.

"Ang ganda ng langit, ano?" Tanong ko at nilingon si Grey na ngayo'y nakatingin pala sa akin.

"Yeah, so beautiful." Bulong nya at nag iwas ng tingin. Tumingala sya at tumitig sa kalangitan.

Alam mo yung pakiramdam na lagi mong nakakausap at nakakasama ang isang tao pero ni isang impormasyon tungkol sa pamilya o nakaraan nya wala kang alam. Alam ko na yung pakiramdam na yan ngayon dahil kay Grey.

I've realized that I only know him as Grey, nothing more, nothing less. I don't even know his age, even his family. Nasan ang mga magulang nya? May kapatid ba sya? Kaibigan?

Pareho ba kaming mag-isa nalang sa buhay? He's so mysterious.

"Grey, can I ask you a question?"

"Yeah."

"Nasan ang pamilya mo?" Tanong ko.

Bahagya syang natigilan sa tanong ko. Pansin kong napalunok pa sya bago tumingin sa akin ng diretso.

White Magic AcademyWhere stories live. Discover now