Chapter 11:Jin

3K 135 7
                                    

SNOW

"Anong gusto mo?" Tanong sakin ni Grey nang nasa harapan na kami ng counter.

"Kumain." Bulong ko at naghanap ng pwedeng kainin. Biglang nagningning ang mata ko nang makita ko ang lasagna.

"I mean anong pagkain?" Aniya at nagkamot sa batok. Hindi ko sya pinansin, lumayo ako sa kanya ng kaonti.

"Miss, magkano ito?" Tanong ko sa nagbabantay.

"Ah, ma'am, libre na po ng school ang mga pagkain. Wala na po kayong babayaran."

Napangisi naman ako sa narinig. "Tatlo nga nitong lasagna."

Siniko naman ako ni Max. "Ang takaw mo pala." Aniya at mahinang tumawa.

I shrugged. "Hindi naman."

---

Balak sanang tumabi sakin ni Grey pero naunahan sya ni Max. Napairap nalang ito sa hangin bago maupo sa harapan ko na katabi ni Lex.

Tahimik kaming kumakain ni Grey habang patuloy sa pagdadaldalan sina Max at Lex.

"Ahm, guys..."

Sabay sabay kaming napalingon nang may magsalita sa gilid namin. Si Sapphire, kasama nya si Kaizer.

Nagtama ang paningin namin ni Sapphire ngunit pairap siyang umiwas ng tingin. Ano bang ginawa ko sa babaeng 'to?

"Paupo kami ah!" masiglang sabi ni Sapphire at agad naupo sa tabi ni Grey.

Hindi nalang kami nagsalita, nakaupo na sila e. Napairap nalang ako sa kawalan nang maupo sa gilid ko si Kaizer.

"Hi, Snow!" ani Kaizer.

"Hi," bulong ko.

Tinaas nya ang tinidor nyang may nakatusok na pork. "Gusto mo?"

"No thanks."

Napalingon ako kay Grey nang bigla itong tumikhim. He smiled at me. "Gusto mo ng pasta, Snow?"

"Huwag na, busog na ako. Salamat nalang," bulong ko at yumuko. Inubos ko nalang agad ang pagkain ko para makaalis na ako dito.

"Ako, Grey! Gusto ko ng pasta!" Sapphire said while smiling. Humawak pa ito sa braso ni Grey.

Grey frowned. "Bumili ka kung gusto mo." Then he walked out.

---

Dali-dali naman kaming naglakad para makabalik na sa room. Pagdating namin doon nandon na lahat ng kaklase namin. Kami nalang ang wala.

Umupo na agad kami nila Max, at maya maya pa ay dumating na yung teacher namin.

Isang lalaki na nasa mid 30's. Matangkad, maputi at may magulong buhok na kulay itim. Halata mo na strikto ito at may kayabangan sa katawan.

"I'm Jin Wilson, my power is Wind. I'm your teacher in combat training." Aniya habang nililibot ang paningin nya sa amin.

"Since it's your first day of school, gusto kong malaman kung gaano kayo kalakas!" He said while smirking.

"All of you, go to the Training room now." Dagdag niya at nauna ng lumabas.

Tumayo naman kaming lahat at sinundan si Sir hanggang sa makarating kami sa traning room o yung parang Gym sya pero taklob lahat. Walang bintana, meron lang isang malaking ilaw sa taas at isang pinto.

Tumayo si Sir sa pinakagitna at parang may kung anong hangin ang umikot sa itaas namin. Umiikot lang sya sa taas na parang may hinahanap na kung ano. Hanggang sa tumigil ito sa itaas ng ulo ko. What the?

"Ikaw!" Tinuro ako ni Sir. "Come here."

Agad kumunot ang noo ko. Ano bang meron? May topak ba 'tong instructor namin o sadyang wala lang talaga syang magawa?

Tumayo ako ng tuwid nang marating ko ang gitna ng room. Hindi agad ako nakapagsalita nang bigla akong umangat sa ere.

Parang may kung anong hangin ang nagdadala sakin pataas.

Kahit na hindi ko alam kung anong meron pinanatili ko ang pagiging seryoso. Ayokong matakot sa kahit kanino, miski sa teacher ko.

"Ipakita mo sakin ang lakas mo, young lady."

To be continue...

----

End of Chapter 11

White Magic AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon