Chapter 33:The Watson Siblings

1.9K 71 0
                                    

BLUE

Nandito ako ngayon sa White Magic Academy para pilitin ang kapatid ko na pumatay. Alam ko sobra-sobra na ang kamalasan namin pero wala kaming magagawa dahil ito ang buhay namin.

Ang gusto ko lang naman ay kaligtasan ng kapatid ko at ng mommy ko pero hindi makuha yun. Lalo pa't laging umeepal si dad.

Higit isang oras na akong nakatayo rito sa tapat ng boys dormitory. Kanina ko pa hinihintay ang kapatid ko pero hanggang ngayon wala parin sya. Alam na kaya nya na pupunta ako ngayon dito?

Hindi ko na pinasama yung mga bodyguard ni dad dito. Baka mas lalo lang akong mapansin ng mga estudyante. Sinabihan ko silang hintayin nalang ako sa hall, agaw pansin kasi kung maraming nakasunod sakin. Ayoko namang mapahamak ang kapatid ko.

Hindi ko rin naman sila kailangan dahil kaya kong protektahan ang sarili ko.

"Blue."

Agad akong napangiti nang marinig kong muli ang boses ng pinakamamahal kong kapatid. Nilingon ko sya. May pawis pa sya sa noo dahil kakagaling lang nya sa pagtakbo.

"Brother!" Agad akong tumakbo para yakapin sya. Nang nasa harap na nya ako, tumalon ako para mayakap sya.

"It's been a month. How are you?" I said while smiling.

Nagulat ako nang tanggalin nya ang kamay kong nakayakap sa kanya. Humakbang sya paatras sakin. Dahil sa ginawa nya agad nanubig ang mata ko. Bakit pakiramdam ko tuluyan ng lumayo ang loob sakin ng sarili kong kapatid?

Tumitig sya sakin gamit ang walang emosyon nyang mukha. "Stop it, Blue. Wala tayo sa mansion."

Dahil sa titig nyang yun lalo akong naiiyak. Ang laki ng pinagbago ng kapatid ko. Sa loob ng ilang buwan na hindi kami nagkita parang lalong lumayo ang loob nya sakin.

"Im sorry. Na-miss lang kita." Bulong ko habang nakayuko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak.

Nagulat ako nang bigla nyang isuot sakin ang hoodie jacket nya. Dahil sa ginawa nya napangiti ako. Nagkamali ako, sya parin ang kapatid ko. Hindi lang talaga sya magaling magpakita ng pagmamahal nya sa isang tao.

"You need to hide." Aniya bago ako hinigit papunta sa kung saan.

Hindi naman ako pamilyar sa lugar na'to. Sa Black Magic Academy ako nag-aaral. Pero kung ako ang tatanungin mas gusto ko dito, ayoko sa school namin dahil puro mayayabang ang tao. Kinakaibigan nila ako dahil ako ang anak ni Iñigo Watson. Ang anak ng pinuno nila.

Maganda rin dito pero higit na mas malaki at mas maayos ang pasilidad sa BMA kesa rito.

Huminto kami sa lugar na puno ng bulaklak. Tigin ko ito ang garden nila. Tumingin-tingin ang kapatid ko sa paligid, nagmamasid kung may tao bang makakarinig sa pag-uusapan namin.

"Nasa hall ang lahat ng estudyante." Agad syang napalingon sakin dahil sa sinabi ko. Hindi parin mawala ang pagsalubong ng kilay nya.

I smiled genuinely. "How are you, brother?"

"Blue." Lalong nagsalubong ang kilay nya.

I shrugged. "What?"

"Why are you here?" He asked. Humalukipkip sya habang nakatingin sakin ng seryoso. Bakit kung makatanong sya parang ayaw nyang nandito ako?

"Because our dad–"

"Your dad." Pagtatama nya.

Bumuntong hininga ako bago nagpatuloy. "Fine! My–whatever! He told me to talk to you. Gusto nyang patayin mo na agad ang babaeng yun... kung hindi–"

"What?"

"Kung hindi sya mismo ang papatay sa'yo pati rin dun sa babae." Bulong ko.

Tumango-tango sya sakin na parang wala lang yung sinabi ko.

"Are you serious? Wala ka bang balak na tapusin ang mission mo?" Tanong ko nang wala akong makitang takot o pag-aalala sa mukha nya.

"Umuwi ka na." Aniya habang nakatingin ng seryoso sakin.

"Sundin mo nalang sya pakiusap! Ayokong mapahamak ka! Please makinig ka namn sakin!" Sigaw ko.

Tears rolled down my cheeks. For some reason, I felt disappointed.

"Kahit anong sabihin ni dad hindi ko gagawin ang gusto nya." Pagmamatigas pa nya.

"Why?" Bulong ko habang nakayuko.

"I can't kill her."

"Bakit hindi mo sya kayang patayin? Kapag hindi mo sya pinatay, kayong dalawa ang mamamatay sa kamay ni dad!" Tinakpan ko ang mukha ko dahil hindi ko na napigilan ang sarili kong humagulgol ng iyak.

"I don't care." Aniya.

"Ganon nalang ba? Iiwan mo kami ni mom dahil sa babaeng yun? Kung hindi mo kaya, ako nalang. Ako nalang ang papatay sa babaeng yun."

Hindi ko kayang pumatay. Wala pa akong napapatay kahit na sobrang sama ng daddy namin. Hindi ko hinahayaan na mabahidan ng kasamaan ang katauhan ko.

"Subukan mo syang saktan at ako ang makakalaban mo." Aniya.

Kung kanina wala akong mabakas na emosyon sa mukha nya pero ngayon galit na galit sya. Bakit ba napakahalaga sa kanya ng babaeng yun?

"Why? Why can't you kill her? Is it because you want to be free or you just love her?!"

"Gusto mong malaman? Im sorry, pero miski ako hindi ko alam ang sagot sa tanong mo." Aniya at mariing pumikit. Ramdam ko na nagpipigil sya ng galit.

Tumawa ako pero yung tawa na parang naiinis na. "Don't tell me, you really love her?

Ngumisi sya sakin. "Ok then, I won't tell you."

"Bakit ganyan katigas ang ulo mo?! Hindi mo ba talaga kayang sundin ang sinasabi ko?! Para rin naman sa kaligtasan mo ang gusto ko!"

"Umalis kana, bumalik ka na sa mansion. Wala ka ng magagawa dahil sigurado na ako sa desisyon ko." Aniya bago tumalikod sakin.

"Tandaan mo ang pinunta mo rito ay para patayin si Snow hindi para tulungan sya. Patayin mo na sya agad para matapos na." Paalala ko rito pero hindi nya ako pinansin bagkus umalis sya ng walang sinasabi.

Napaupo nalang ako sa damuhan bago umiyak ng umiyak. Ganon ba talaga kahirap para sa kanya na sundin ako?

To be continue...

----

End of Chapter 33

White Magic AcademyWhere stories live. Discover now