Chapter 42:Truth

2.3K 75 1
                                    

GREY

When I saw her running away from me, it feels like my whole world just stopped spinning for a while.

Para akong napako sa kinatatayuan ko. Gusto ko syang sundan, gusto ko syang habulin ngunit pinangunahan ako ng takot. Takot na baka ipagtulakan nya ako ulit. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.

Sinuot ko ulit ang mask para takpan ang mukha ko sa ibang estudyante na napapatingin sakin.

Makalipas ang ilang minuto nagpasya na akong lumabas ng hall. Paglabas ko eksaktong sasampalin si Snow ng isang babae.

And in that very moment, I wanted to run and protect her. I closed my fist as anger consumed my mind. Gusto kong saktan ang babaeng nanakit sa kanya. Pumikit ako ng mariin para hindi ko makita ang mangyayari.

I wanted to help her but she doesn't like the idea.

Nanatili ako sa kinatatayuan ko hanggang sa umalis si Snow. Naiwan ang babaeng sumampal sa kanya. Mabigat ang paghinga ko nang maglakad ako palapit sa babae.

Aalis na dapat sya nang hawakan ko sya sa braso. Gulat syang napalingon sakin.

"Oh my god!" Sigaw nya, bahagya syang natigilan nang mapatitig sya sa mukha kong may suot na maskara. "W-wait! You're Grey."

How? Bakit nakilala nya ako agad?

Hindi ako nagpahalata na nagulat ako sa sinabi nya. Mas hinigpitan ko ang hawak sa braso nya.

Bahagyang kumunot ang noo ko nang mapansing galing lang sa pag-iyak ang babaeng ito. "Why did you slap her?"

"She hurt my twin. She deserved that! I hate her!"

Galit ko syang tinitigan. "Do you think she likes you? The feeling is mutual, she hate you too."

"Wala parin syang karapatang saktan ang kakambal ko! Langit si Kaizer, at sya ay impyerno lang!"

Napangisi naman ako sa sinabi nya. Bahagyang lumambot ang ekspresyon nya nang makita akong ngumisi.

"She's hell? Damn, yeah! I think you're right."

"Yeah right–" Aniya at tila proud na proud pa sya sa sarili nya.

"She's hot as hell. And I'm ready to face hell just to be with her."

Bahagya syang natigilan sa sinabi ko. Agad nanubig ang gilid ng mata nya. She looks so... pathetic.

"B-bakit sya, Grey? Nandito naman ako..." naluluha niyang tanong.

Yeah... Why her?

"Ask my heart," I simply answered.

"Pero hindi ka niya mahal, Grey. Pinagtatabuyan ka lang niya. Kahit kailan hindi ko gagawin sayo yun. I can make you the happiest man alive," pagsusumamo

"I don't need to be the happiest man alive, just seeing her smile makes my day complete," I said, half smiling.

"G-ganoon mo ba siya kamahal na kahit sarili mo handa mong isakripisyo? Wala siyang pakialam sa iyo, Grey..."

Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa sinabi ng babaeng ito. Naikuyom ko ang kamao ko sa inis.

"You're not her kaya wala kang karapatan na sabihin 'yan," I said coldly bago siya talikuran. Rinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko pero nagpatuloy ako sa paglalakad palayo.








Agad akong bumaba ng sasakyan ko nang marating ko ang mansion. May mga guwardya na nakatingin sakin but I don't give a damn. Bahala sila sa buhay nila.

White Magic AcademyWo Geschichten leben. Entdecke jetzt