Prologue

61.3K 656 11
                                    

The Architects Series:
Lauren Del Valle

"'Yan! Ganyan nga! Tama!" I was just smirking while I hear my best-friend, Lexa screaming -- I was... well ...destroying picture frames, ripping off love letters, stabbing knives in different parts of the stuffed toy's body, and... MORE!

"Tangina! Ang sarap palang gawin nito! Puta!" Malulutong na mura ang lumalabas sa bibig ko at wala ako ni isang ka-putanginang pakielam.

Fúck him! Fúck him! Fúck him! Hindi siya kawalan! Hindi!

"Meron pa doon, o!" Turo niya pa sa ibang direksyon at nakakita ako ng box na pwede kong sunugin.

"Lighter!" Ibinigay niya kaagad 'yon at mabilis na sinindihan para itapat sa box at unti-unti na itong nilamon ng apoy. Isinama ko na rin ang mga iba pang karapat-dapat na sunugin at saka lang ako nakuntento nang tuluyan nang naging abo ang mga ito.

Ang saya ko. Dahil, sa wakas... naka-move on na ako.

Narinig kong pumalakpak si Lexa. "Very good! 'Yan dapat!"

Niyakap ko siya at sabay kaming tumawa. "Salamat," nakangiting sabi ko.

"Best-friends for life tayo girl, kaya...you're welcome!" Kinurot niya ang gilid ng bewang ko kaya napatingin ako sa kanya. "Hanap ka na ng lalaking hindi ka paiiyakin. Ilang taon na rin ang nakalipas simula noong naghiwalay kayo."

Tumango ako. "Promise. Hindi na ako iiyak ng kagaya ng dati." We both giggled. "At hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ngayon ko lang ito ginawa. Salamat dahil naisipan mong ipagawa sa akin ito."

●♥●

HEART BY HEART ®

By: zx_scealta



Heart By Heart (The Architects Series #2)Where stories live. Discover now