Last

24 1 2
                                    

•Grace's POV•

Malakas ang hangin na siyang nagsasayaw sa buhok ko ngayon.

"Hai, guysss!" napatingin ako at si Jhon Carlo kila Carl at Jenny na kakarating lang dito sa sementeryo.

Yup, we visited Seven here in semetery. Kumpleto na kami ngayon.

"Seven, ginawa ko ang bilin mo ha, huwag mo ako mumultuhin" pabirong sabi ni Jhon Carlo sa puntod ni Seven.

"Anong bilin?" kunot-noong tanong ko kay Jhon Carlo.

Napatingin sa akin si Jhon Carlo at ngumiti.

"Ganito kasi yan prinsesa ko..."

Bago mag-umpisa si Jhon Carlo sa pagkwekwento ay umupo na kaming apat sa grass at naghanda na para sa ikwekwento ni Jhon Carlo.

"Sinabihan ako noon ni Seven na mahalin kita at alagaan, at naalala niyo ba nung nasa beach tayo?" tanong sa amin ni Jhon Carlo.

Tumango naman kaming tatlo at hinintay ang mga susunod niyang sasabihin.

"Noong nagyaya akong mamangka, plano na talaga niyang magpakamatay noon dahil mawawala din naman daw siya dahil meron siyang sakit at may taning narin ang buhay niya. Guysss, pinigilan ko siya noong nasa kalagitnaan na kami ng dagat pero sabi niya, ayaw niyang mamatay ng paunti-unti, gusto niyang biglaan. Wala na akong nagawa noon dahil hindi ko hawak ang buhay niya"

Tahimik parin kaming nakikinig sa mga explanation ni Jhon Carlo.

"Pinatay niya ang sarili niya guysss. Sorry ngayon ko lang naexplain ha" malungkot na sa bi ni Jhon Carlo.

"Pasensya na din ngayon lang kita pinakinggan" malungkot din na sagot ko kay Jhon Carlo.

Nginitian lang ako ni Jhon Carlo at nagpatuloy na sa pagkwekwento.

"Noong pabalik na ako dito sa Pilipinas, sinet-up ko ang lahat. Binigay ko kay Carl ang ticket niyo para sa concert ko at para madaling kong malaman kung nasaan ka. Sinabi ni Carl na siya na ang gagawa ng palusot kung tinanong mo kung sino nagbigay ng ticket. Princess, mahal naman talaga kita eh kahit hindi ibilin sakin ni Seven. Aalagaan kita kahit anong mangyari"
sabi ni Jhon Carlo.

"Drama mo" pang-aasar ko naman sa kanya.

Halatang nagtampo si Jhon Carlo kaya niyakap ko siya.

"Joke lang" sabi ko at napatawa naman si Carl at Jenny.

Tumayo si Carl at Jenny at nagligpit na ng gamit.

" Grace, Jhon Carlo, una na kami, may date pa ka mi eh" masayang paalam ni Carl at napatango naman kami ni Jhon Carlo.

Naging si Jenny at Carl. Nagkatotoo din ang loveteam nila na iniimagine ko lang noon.

At kami naman ni Jhon Carlo, eto masaya. Marami akong natutunan sa lahat ng mga pagkakamaling nagawa ko. Sabi nga nila Learn from your mistakes. Mahirap ng ibalik ang nakaraan pero pwedeng gawing masaya ang kasalukuyan para sa magandang kinabukasan. Sulitin lang natin ang oras.

Time is like a river. You will never touch the same water twice, because that flow has already pass. So enjoy every moment of your life...

*THE END*

Past True LoveWhere stories live. Discover now