Chapter 16: Boracay

11 2 0
                                    

•Grace POV•

Naglakad akong mag-isa sa napakalawak na white sand ng beach habang pinagmamasdan ang papalubog ng araw. Umupo muna ako sa gilid ng dagat kung saan hindi umaabot ang alon at naglugay ng buhok ko. Ang presko.

Habang nag sasound trip ako, napag-isipan kong sumigaw dahil yun ang karaniwang ginagawa ng mga taong nag-iisa. Gusto ko rin kasing ilabas ang mga sama ng loob ko eh.

Inilibot ko muna ang paningin ko sa paligid para masiguradong wala na ngang tao dito. Wala ngang tao!

Tumayo ako at ikinawit ko muna yung earphone ko sa dalawang balikat ko. Kumuha ako ng maliit na bato sa wite sand at nagsimula ng sumigaw!

"Bakit ko ba siya nasasaktan?" malakas na sigaw ko sa dagat na sumasabay din ang lakas ng hampas ng mga alon. Mukha akong tanga na sinisigawan ang dagat kahit na alam ko namang hindi sasagot.

Ibinato ko ang pinulot kong maliit na bato kanina kasabay ulit ng pagsigaw ko. "May nagmamahal pa ba sakin" sigaw ko ulit.

"Oo"

"Sino. Tell me!" sigaw ko ulit. Teka nga? sino yung sumagot? Diba ako lang naman ang mag-isa dito? Busy si Seven at Jenny at wala naman akong ka close sa mga kaklase ko eh. Sino yun?

Dahan-dahan akong lumingon sa likod ko at nakita ko ang isang lalaki na nakatayo sa likod ko mismo.

"Jho-Jhon Carlo?" nauutal na tanong ko sa kanya.

Nginitian niya lamang ako ng malaki at inakbayan niya ako sa balikat ko at sabay kaming tumingin sa papalubog na araw. Ang ganda tignan ng araw.

Parang kanina lang, hinihiling ko na sana nandito si Jhon Carlo at wala pang isang oras, nandito na nga siya na kasama ko ngayon at pinagmamasdan ang napakagandang sunset.

"Gusto mo bang sumigaw?" tanong ko sa kanya.

Nginitian niya lang ulit ako at humarap na sa napakalawak na dagat habang nakatayo kaming dalawa at nakaakbay parin ang braso niya sa balikat ko.

"Grace, ikaw lang mamahalin ko. Pangako yan!" sigaw niya sa dagat na siyang dahilan ng pagkakangiti ko.

Kung sabayan ko kaya ang trip ng lalaking toh. Hahaha ayaw ko rin naman kasi siyang saktan noh. Nangako na ako sa sarili ko noon dahil hindi madaling masaktan. Ang hirap kaya.

"Ikaw lang din Jhon Carlo!" sigaw ko rin habang tumatawa pa.

Napalingon ako kay Jhon Carlo at nakita kong nag-iba ang reaksyon niya. Namumula na siya ngayon na parang mansanas.  Hala. Sineryoso niya ba ang sinabi ko?

Inalis ko ang pagkakaakbay niya sa akin at hinawakan ko ang kamay niya. Alam kong gulat siya sa mga pinag-gagawa ko ngayon pero bahala na. Hindi ko mapigilan ang sarili ko eh. Feeling ko siya parin ang bestfriend ko noong elementary days.

Naglakad-lakad kami hanggang sa makakita kami ng dalawang swing na nakasabit sa dalawang malalaking puno.

"Tara doon!" pag-aanyaya ko sa kanya na excited. Namiss ko rin ito.

Para akong bata na nagduyan doon sa isang swing at ganun din si Jhon Carlo.

Napatigil ako sa pagswiswing nang maalala ko ang isang eksena ng pagkabata ko. Napatingin ako sa kwintas na suot ko at nagtataka parin kung kailan ba talaga toh ibinigay sa akin ni Jhon Carlo.

"Naalala mo na ba, Grace?" tanong niya sa akin.

Umiling ako dahil hindi pa talaga eh. Wala eh, as in blank.

"Remember the accident na nangyari sayo noon" kwento niya. Hindi ako nagsalita upang pakinggan ang mga susunod na sasabihin niya.

"Pumunta ako noon sa park pero di kita nakita. Paalis na sana ako nang makita kitang tatawid sa kalsada na may mabilis na sasakyang papunta sa direksyon mo." paliwanag niya.

Hindi ko alam, pero parang bigla na lamang gumigilid ang mga luha sa mga mata ko. At ganun din si Jhon Carlo.

"Grace. Hinabol kita pero wala na eh. Nabundol ka na." pagpapatuloy niya at tuluyan na ngang pumatak ang mga luha niya sa kanyang mga mata.

Pinipigilan ko parin ang pagluha ko habang pinapakinggan ang mga susunod niyang sasabihin.

Ang tanga ko. Akala ko kasi pinabayaan niya ako. Ang tanga ko.

"Nagpatulong ako sa nakabangga sayo na idala ka sa hospital" pagpapatuloy pa niya.

Tuluyan na ngang tumulo ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan.

------

A/N

Kung nagustuhan niyo po ang kahit na anong chapters, please vote po. Please comment if their are any problems or suggestions, handa po akong tanggapin lahat ng inyong mga comments. Please vote my story.Thank You.

Past True LoveWhere stories live. Discover now