Chapter 1: Flower

117 12 1
                                    

•Grace POV•

"Bes, nandiyan na naman ang makulit mong-" pang-iinsulto sa akin nang bestfriend ko.

"Shut up"inis na sagot ko sa kanya habang nakatingin sa lalaking naglalakad papalapit sa kinauupuan namin ni Jenny.

Hindi ko siya pinatapos dahil nakakapikon, dahil lagi na lamang niyang pinagpipilitan na boyfriend ko yun. hindi ko siya boyfriend noh.duhhhh.

Habang palapit ng palapit si Jhon Carlo sa kinauupuan namin ni Jenny, mas umiinit ang ulo ko. I wonder kung ano nanamang klaseng pangugulo ang gagawin niya sa akin.

Nang makarating na siya sa kinauupuan ko, may inabot siyang rose sa akin na galing sa kanyang likod.

" Grace, Flower for you" sabi niya sa maamong mukha. Inirapan ko lamang siya at hindi na pinansin.

Narinig kong clinear ni Jenny ang lalamunan niya sabay kuha ng flower na hawak ni Jhon Carlo. "Uhmmm, akin na, ibibigay ko nalang mamaya sa kanya" sabi ni Jenny kay Jhon Carlo na nakangiti pa.

Tiningnan ko ng masama si Jhon Carlo sabay sigaw sa kanya dahil nakakahiya, ang dami kayang tao dito sa canteen ngayon.

"Can you just go away?" sigaw ko kay Jhon Carlo sabay irap. Napansin kong napatingin ang lahat ng tao sa loob ng canteen dahil sa lakas ng sigaw ko.

Nang makita kong nagbubulungan na lahat ng tao sa canteen, tinakpan ko ang bunganga ko at yumuko. Nakakahiya.

Nilapitan ako ni Jhon Carlo at may ibinulong sa tenga ko. Hindi ako makagalaw noon dahil ang lapit niya, ramdam ko ang init ng hininga niya.

"Magiging akin ka rin" bulong niya sa akin sabay ngiti ng nakakaloko.

Itinulak ko siya at saka ako tumayo at tinawag si Jenny. "Jenny, lets go" sabi ko kay Jenny pero di niya ako pinansin.

Ughhh. yung feeling na magwawalk out ka tapos hindi siya nakisama. Isss. Nakakahiya.

Nang makita kong nakatingin siya kay Jhon Carlo, agad ko siyang hinila at kinaladkad palabas ng canteen.

"Bes, bakit ba napakahard mo kay JC?" Iritadong tanong ni Jenny habang naglalakad kami papunta sa classroom. Jc ang tawag ni Jenny kay Jhon Carlo dahil yun daw dapat ang itawag sa kanya kung inlove na kayo sa kanya. But im not. Duhhhh. Pero si Jenny, hindi maikakaila na inlove siya kay Jhon Carlo pero bakit pa niya ako pinagtutulakan sa lalaking yun.

"Bakit ba kasi pinagpipilitan niyo siya sa akin" pabalik na tanong ko rin kay Jenny.

Nahalata kong napasimangot ang mukha ni Jenny kaya naman binilisan ko na lamang ang paglalakad ko dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag nakikita ko siyang ganon.

Pagdating ko sa classroom, sinalubong ako ng long time crush ko na si Seven. Oo seven ang pangalan niya, hindi ko din alam pero ang pangalan ng kapatid niya ay Ten.

"Kinulit ka nanaman ba ni Jhon Carlo" pambungad na tanong sa akin ng isa sa mga close friend ko -si Seven. Sa totoo lang ayaw ko sanang marinig ang pangalan na yan ngayon eh, kahit ngayon lang pero tatanggi ba naman ako kung kaharap ko ang crush ko?

"Just like before" malumay na sagot ko sa kaniya.

Note this: sa tinagal-tagal na crush ko si Seven, hindi pa niya yun alam kaya okay pa kami ngayon kasi ang alam ko, walang pansinan kung malalaman niya ang totoo eh.

"Oh I see" sabi naman niya sabay hawak sa kanyang chin at parang nag-isip. "Manood ka naman mamaya ng practice namin para mawala ang mga problema mo" pag-aanyaya ni Seven sa akin habang nakangiti, nakakainlove talaga si Seven.

Bakit ba hindi man lang niya napapansin na gusto ko siya, pero okay na rin ito para mas close kami. Kasi kapag nalaman niya,magiging awkward ang lahat.

"Okay,pupunta ako" sagot ko naman kay Seven sabay ngiti. Nakokomportable talaga ako kapag si Seven ang kasama ko eh.

"Okay class, dismiss" rinig kong sabi ng teacher namin for the last period ngayong hapon. Nagulat ako dahil bakit napakabilis ngayon ng oras. ganun nalang ba talaga kabilis ang oras kapag kasama ko si Seven, ang unfair talaga ng mundo.

Paglabas ko ng classroom, nakita ko si Jenny na nakatingin sa hawak niyang bulaklak na binigay ni Jhon Carlo kanina.

"Pssst, Jenny" nakangiting tawag ko sa kanya. Sana naman di na siya nakasimangot.Hindi niya pa rin ako pinapansin at nakatitig pa rin sa bulaklak.

"Uy pansinin mo naman ako" pagmamakaawa ko kay Jenny. Bahagya siyang tumingin sa akin na nakasimangot pa rin pala.

"Kunin mo ang bulaklak at itago mo para bumalik ako sa dati" sabi niya sa akin na nakapout pa, parang bata na hindi mabilihan ng isang pirasong candy.

Hindi ako nakatanggi dahil bestfriend ko siya. No choice kinuha ko ang bulaklak.

"Oo na" sagot ko sa kanya na halatang napilitan.

"Someday, marerealize mo na mahalaga ang lahat" sabi niya sa akin. Hindi ko alam ang gusto niyang sabihin noon at parang humuhugot ito ngayon.

Naalala ko yun sinabi ni Seven kanina, kaya kailangan ko ng pumunta sa gym ngayon para manood ng practice nila. Si Seven kasi ang team captain so siya ang pinakamahalaga doon.

-------

A/N

Kung nagustuhan niyo po ang kahit na anong chapters, please vote po. Please comment if their are any problems or suggestions, handa po akong tanggapin lahat ng inyong mga comments. Please vote my story.Thank You.

Past True LoveWo Geschichten leben. Entdecke jetzt